#Mark Anthony Legaspi » Feed Mark Anthony Legaspi » Comments Feed Mark
   Anthony Legaspi » Paano maging masaya sa buhay? Comments Feed A Letter
   to my Teenage Self alternate alternate Mark Anthony Legaspi
   WordPress.com

   Skip to content

   Mark Anthony Legaspi

   It is never too late to be what you might have been
   (BUTTON) Menu

     * Home
     * Mark Anthony Legaspi
     * Contact

Paano maging masaya sa buhay?

   how to be happy, Uncategorized

i-choose-to-be-happy-7

Paulit-ulit na lang ang takbo ng buhay. Gigising ka para mag-aral,
mag-trabaho at marami pang iba. Minsan nakakalimutan na nating maging masaya
sa buhay. Masyado na tayong nagiging abala sa buhay. Kailangan din nating
maging masaya paminsan-minsan para guminhawa ang ating buhay. Narito ang mga
paraan upang maging masaya sa buhay.

   Paraan upang maging masaya sa buhay:
    1. Gawin ang mga bagay na makakapagpapasaya sa iyo.

     * Ang sarap sa pakiramdam kung ang gagawin mong bagay ay yung
       makapagpapasaya sa iyo. Mas mae-enjoy mo ito dahil mahal mo ang
       iyong ginagawa. Dapat passion mo na ang iyong gagawin para hindi ka
       na mahihirapan at dapat laging maging enthusiast ka sa lahat ng
       bagay.

    2. Iwasan ang mga negatibong bagay.

     * Mas makakabuti sa iyo kung iiwas ka sa mga negatibong bagay. Wala
       naman itong maitutulong sa iyo bagkus papahirapan niya lang ikaw.
       Huwag mag-isip ng negatibo dahil masama sa kalusugan at pag-iisip
       ng isang tao.

    3. Mahalin mo ang iyong sarili ng lubusan.

     * Wala namang mawawala kung mamahalin natin ang ating sariili. Kung
       mamahalin mo ang iyong sarili, araw-araw kang magiging masaya.
       Tandaan mo “Be the best version of yourself”.

    4. Maging mabuti sa kapwa.

     * Kung ano ang ugali na ipinapakita mo sa kapwa mo, iyon ang ibabalik
       nila sa iyo. Laging bigyang halaga ang bawat isa. Ituring mo ang
       bawat tao na pinaka-importanteng tao sa buhay mo tiyak na
       magugustuhan nila ang ugali mo at magiging mabuti rin sila sa iyo.

    5. Kalimutan ang mga di magagandang nakaraan.

     * Huwag taong mabuhay sa nakaraan. Ang buhay ay umiikot, panibagong
       araw, panibagong buhay. Huwag tayong mag-stay sa nakaraan.
       Mag-focus tayo sa kasalukuyan. Hindi na natin maibabalik at
       mababago ang mga nakaraan.

    6. Maging masaya sa simpleng bagay.

     * Ito man ay ang pagkanta sa banyo, pag sayaw sa iyong kwarto,
       panonood ng t.v. at etc. Kung magiging masaya tayo sa simpleng
       bagay, parang ang saya ng bawat araw sa iyong buhay. Hindi ka
       mai-istress dahil nagiging masaya ka sa simpleng bagay eh.

    7. Magpasalamat sa lahat ng bagay.

     * Kahit ito man ay bagong damit, bagong cellphone, o kaya naman ay
       natapos mo ang isang gawain ng maayos. Magpasalamat tayo lagi sa
       ating Diyos dahil binibigayan niya tayo ng bawat araw at tayo ay
       nabubuhay sa mundong ibabaw.

    8. Huwag mag expect ng sobra-sobra.

     * Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi tayo nagiging masaya.
       Masyado tayong nageexpect. Masasaktan lang tayo bandang huli dahil
       hindi natin nakamit o nakuha yung expectation natin.

    9. Lumabas ka ng bahay.

     * Karamihan ng masasayang pangyayari ay nasa labas n gating bahay.
       Marami tayong madidiskubre sa labas ng bahay. Marami tayong
       makikilalang tao. Pero huwag din namang sobra baka mamaya eh ma
       tokhang ka joke. Kialanin mo ang iyong mga kapit-bahay, pumunta sa
       mall at marami pang iba.

   10. Mag-ehersisyo.

     * Nakakawala ng stress at depression itong pag-eehersisyo.
       Nakakalimutan mo ang mga di magagandang bagay. Nagiging physically
       fit and healthy ka pa.

   11. Matulog ng 8 oras o higit pa sa nais mo.

     * Pagtulog tayo ay parang wala na tayong iniintindi. Malaki ang
       matutulong ng pagtulog para tayo ay maging masaya. Kung gigising
       tayo ng kumpleto ang ating tulog ay magiging productive ang araw at
       masaya tayo.

   12. Mag-meditate.

     * Paminsan-minsan kailangan nating mag-meditate. Nakakawala ito ng
       anxiety, depression, kalungkutan, at etc. Ang pag memeditate ay ang
       pag-focus mo sa iyong paghinga at nasa isang tahimik na lugar ka
       lang. Aalisin mo ang mga bagay-bagay sa iyong utak at sa paghinga
       ka lang magpopokus.

   13. Patugtogin mo ang paborito o masayang kanta.

     * The best ang feeling kapag nakikinig ka sa music lalo na kung ito
       ay iyong paborito. Parang umi-escape ka sa mundo. Ikaw at ang music
       lang ang magkasama ay sapat na.

   14. Gumawa o maglaan ng oras sa panibagong hobby o gawain.

     * Ito man ay pag-aral kung paano mag-gitara, pag-painting, pagluluto
       ng bagong recipe at etc. Kailangan nating magdiskubre ng bagong
       gawain para malaman natin kung ano pa ang mga bagay na kaya nating
       gawin sa ating buhay. Malay mo may iba ka pang talent na di mo
       nadidiskubre.

   15. Isulat o gumawa ng journal.

     * Isulat mo lahat sa iyong journal ang mga thoughts mo na hindi mo
       masabi sa ibang tao. Parang sa journal mo ilalagay ang lahat ng
       nararamdaman mo. Nakakabawas ito ng bigat sa loob ng iyong puso at
       pag tumagal pwede mong basahin ito at maaalala mo ang mga nakaraang
       nangyari sa iyong buhay.

   16. Ipakalat ang kasayahan sa lahat.

     * Simpleng pag-smile sa bawat taong makasalamuha mo ay malaking ambag
       na iyon para sa kasiyahan ng bawat isa. Ikaw ang magsimula ng
       kasayahan para ang lahat ay mahawa at ang lahat ay magiging masaya
       na.

   17. Maging friendly.

     * Huwag maging masungit o masama sa iba. Maging friendly tayo. Mag-hi
       sa bawat taong nakakasalamuha mo. Ang sarap sa s feeling kapag
       marami kang kaibigan, maraming nagmamahal sa iyo. Malungkot kasi
       pag tayo ay mag-isa.

   18. I-practice ang pag-aalaga sa iyong sarili.

     * Maging malinis at presentable tayo sa ating sarili. Iba ang sayang
       maibibigay nti sa iyo. Magkakaroon ka pa ng confidence dahil alam
       mo sa sarili mo na kaaya-aya kang tignan pero huwag kang magbabago
       para sa ibang tao. Huwag mong intindihin kung ano ang gusto nilang
       mangyari sa iyo. Just be yourself and don’t mind them.

   19. Mag-yoga.

     * Tulad ng pag-memeditate ang pagyoyoga ay mahalaga rin. Ito ay isang
       uri rin ng page-exercise kung saan ini-istretch mo ang iyong
       sarili.

   20. Kumain ng healthy na pagkain.

     * Ayon sa research, ang pagkain ng healthy na mga pagkain ay
       makapagdudulot ng kasiyahan.

   21. Bawasan ang stress.

     * Kung maaari ay umiwas sa mga stressful na mga bagay. Walang
       magandang maidudulot ito sa iyo. Nakakapanget at nakakatanda ang
       stress. Alam kong ayaw mong mangyari yun kaya iwasan ang stress.

   22. Mag walwal ng pera pero gamitin sa tama.

     * Iba ring saya ang mabibigay ng paggastos ng pera kung marami ka nga
       lang pera. Pero huwag waldas ng waldas gamitin lang ito sa mga
       bagay ng kailangan lang, kung kakaluwag naman ay ikaw na bahala.

   Iyan ang ilan sa mga alam kong paraan upang tayo ay maging masaya.
   Huwag masyadong seryosohin an gating buhay. Take it easy lang at ienjoy
   ang bawat araw na tayo ay nabubuhay. Magmahalan at bigyang halaga ang
   bawat isa. Sana ay maging masaya ka at Godbless!
Let's be friends:
Add/Follow me on facebook: Mark Anthony Legaspi
Follow me on instagram : @legaspimark01
Follow me on twitter: @immarklegaspi

   Advertisements

Share this:

     * Twitter
     * Facebook
     * Google
     *

Like this:

   Like Loading...

   October 17, 2017October 15, 2018 immarklegaspiblog, happiness, happy,
   how to be happy, joy, life, paano maging masaya, positive, ways

Leave a Reply Cancel reply

   Enter your comment here...

   ____________________________________________________________
   ____________________________________________________________
   ____________________________________________________________
   ____________________________________________________________

   Fill in your details below or click an icon to log in:
     *
     *
     *

       IFRAME: googleplus-sign-in

     *
     *

   Gravatar
   Email (required) (Address never made public)
   ____________________
   Name (required)
   ____________________
   Website
   ____________________
   WordPress.com Logo

   You are commenting using your WordPress.com account. ( Log Out /
   Change )
   Google+ photo

   You are commenting using your Google+ account. ( Log Out /  Change )
   Twitter picture

   You are commenting using your Twitter account. ( Log Out /  Change )
   Facebook photo

   You are commenting using your Facebook account. ( Log Out /  Change )
   Cancel

   Connecting to %s

   [ ] Notify me of new comments via email.

   Post Comment

Post navigation

   Next Next post: A Letter to my Teenage Self

Search

   Search for: ____________________ Search

Text Widget

   This is a text widget, which allows you to add text or HTML to your
   sidebar. You can use them to display text, links, images, HTML, or a
   combination of these. Edit them in the Widget section of the
   Customizer.

     * Facebook
     * LinkedIn
     * Twitter
     * Instagram

   Create a free website or blog at WordPress.com.


   ____________________________________________________________
   ____________________________________________________________
   ____________________________________________________________
   ____________________________________________________________
   Post to
   Cancel Reblog Post

   Close and accept Privacy & Cookies: This site uses cookies. By
   continuing to use this website, you agree to their use.
   To find out more, including how to control cookies, see here: Cookie
   Policy

   IFRAME: likes-master

   %d bloggers like this: