#Mga Kwentong Upos - Atom Mga Kwentong Upos - RSS Mga Kwentong Upos -
   Atom

   Mga Kwentong Upos

Feb 13, 2011

Bangon

   May isang binatilyo na nagngangalang Alvin na kung matulog ay tila
   'mantika'. Hindi sya makabangon sa higaan upang pumasok sa iskwela kung
   hindi pa sya gigisingin ng mga magulang.

   Nang makatapos si Alvin sa pag-aaral, naging isang contractual employee
   sya sa isang kumpanya sa lungsod, lugar kung saan medyo malayo sa lugar
   nila. Nangupahan sya upang maging malapit sa kanyang papasukan. At
   dahil wala syang taga-gising, niregaluhan sya ng alarm clock ng kanyang
   ama.

   Nilapag ni Alvin ang kanyang alarm clock sa tabi ng kanyang kama. Pero
   sa unang gabi, nakalimutan nyan i-set ang oras. Kaya tinanghali na nang
   gising si Alvin at late na sya pagdating sa kumpanya. Sa pangalawang
   gabi, nai-set naman nya ang alarm clock pero pinatay naman nya ito nang
   mag-alarm sa umaga dahil bumalik si Alvin sa pagkakatulog. Late ulit
   sya sa trabaho. Ganoon nalang ang nangyari araw-araw. Kaya minsan ay
   kinausap si Alvin ng kanyang supervisor. "Hindi pwedeng lagi nalang
   ganito Alvin," sabi ng supervisor. "Kung ganyan ang performance mo,
   mahihirapan kaming magdesisyon na gawin kang regular."

   Sa pagkakataong iyon ay nagising na si Alvin. Kaya nang matutulog na
   sya isang gabi, sinet nya ang kanyang alarm clock. Nang tumunog ang
   alarm clock nang umagang iyon, bumangon si Alvin at pinatay ang alarm
   clock. Mabilis syang naghilamos at nag-almusal saka nagtatakbo patungo
   sa trabaho.

   Bakas sa mukha ni Alvin ang ngiti pagdating sa kumpanya. Na sya namang
   pagtataka ng isang katrabaho nya. Nang hindi na makapagpigil ang
   katrabaho nya ay nilapitan na nya si Alvin at tinanong. "Diba dayoff mo
   ngayon?"

   PASASALAMAT: Kay Vivi Patron at sa kanyang column na 'SANDALI LANG', na
   makikita sa tabloid na BALITA (D.I. April 18, 2010)
   nagustuhan mo? i-share mo na!
   Share|
   Binuga ni Leo Noong 10:15 PM
   Email ThisBlogThis!Share to TwitterShare to FacebookShare to Pinterest

4 comments:

    1. unoFebruary 13, 2011 at 11:02 PM
       hahaha buti nga s akanya yun hahaha salbahe ako hahaha joke...
       ReplyDelete
       Replies
            Reply
    2. Si Inong ay akoFebruary 13, 2011 at 11:32 PM
       lesson learn siguruduhing may pasok bago magbago..
       ReplyDelete
       Replies
            Reply
    3. ISTAMBAYFebruary 14, 2011 at 11:18 AM
       sabi na nga ba hehehehe... ang akala ko lang kasi linggo.. ayan
       bumangon ng maaga at siguraduhin may pasok...
       ReplyDelete
       Replies
            Reply
    4. _nhel06_May 26, 2011 at 3:12 PM
       hahaha..malas nya..
       ReplyDelete
       Replies
            Reply

   Add comment
   Load more...

   Newer Post Older Post Home
   Subscribe to: Post Comments (Atom)

Chit-Chat

   IFRAME: cboxmain

   IFRAME: cboxform

Kasabihan

    Bumili ng libro hindi para kolektahin. Bumili ng libro para basahin.

Hithitin ang bawat nababasa sa libro

   read the printed word!

Nakalista Ka Na Ba?

                               MAGPALISTA NA!

Ang Gumaya Pangit

                 Protected by Copyscape Originality Checker

Hoy! Pinoy Ako!

                               Proudly Pinoy!

May Follower Pala Ako

Birthday

                   Get your own free Blogoversary button!

Ang Taga-Pluto at Ang Upos (Me About)

     * Ang Upos
     * Ang Taga-Pluto

Palitan Kalakalan

   http://www.mgakwentongupos.blogspot.com/2011/01/exchange-link-tayo.html
   Dahil wala pa akong kaibigan bukod kina Phillip, Marlboro at Winston.
   Gusto ko sana na magkaroon pa ng mga kaibigan na mahilig din humithit.
   I-click mo lang ang link sa taas, i-comment mo yung pangalan ng blog mo
   at ang url ng blog mo. Hintayin mo lang ng ilang araw at makikita mo na
   ang blog mo sa blogroll ko. Pero syempre dapat palitan tayo. Dapat
   isama mo din ako sa blogroll mo. Mga Kwentong Upos ang pangalan ng blog
   ko, at ang url nya ay http://www.mgakwentongupos.blogspot.com. Quits
   lang diba? :)

Kapalitan

     * choknat's
       Wakanda
       1 month ago
     * (,") BLOGS NG PINOY (",)
       Death by Grammar
       3 months ago
     * halojin
       Include These Points in The Contract While Hiring A Janitorial
       Service
       3 months ago
     * gillboard grows up
       ASSASSIN'S CREED ORIGINS REVIEW
       1 year ago
     * BatangGala
       The One About Friendships and Stuff.
       2 years ago
     * tuyong tinta ng bolpen
       Ayos Idol?
       2 years ago
     * goyo's adventure
       Mendapatkan euro paypal dari aklamio
       2 years ago
     * Life Trip ;-)
       trabaho journey part 2
       3 years ago
     * KA-BLOGS-TUGAN
       PINAKULUANG TUBIG
       3 years ago
     * One Acre of Diamond
       professional Painter in UAE
       3 years ago
     * Bohemian diary
       Healthy Eating To Boost (CD4) The Immune System
       3 years ago
     * Absurd Republic
       3. Short Film
       3 years ago
     * TotoyBino: Blog ng isang Adik!
       Ninja Apocalypse (2014)
       3 years ago
     * Payatot on the Go...
       Blog Blog Blog
       4 years ago
     * kwentong barbero .com
       Episode 5. How to Start a Business (Guerilla Mode) Part I
       4 years ago
     * ang blog ni Mang Poldo...
       init
       5 years ago
     * I S T A M B A Y
       Lipat na me. Palo na u
       6 years ago
     * sa mata ni uno
       left behind...
       7 years ago
     * Tambay
       3 years
       7 years ago
     * Ang Tropang Skwalog
       ZESTO AIR
       7 years ago
     * chroneicon
       Binigyan Ako Ng Kalahating Basong Tubig
       10 years ago
     * Ka-Swak
     * Pluma Ni Jepoy
     * Oi! Greenpinoy!
     * //adik sa problema
     * Abdul Hakeem
     * A B N K K blog N P L A Ko?! v2.0
     * Saranggola Blog Awards

   Show 25 Show All

Ang Nakaraan

     * â–¼  2011 (20)
          + â–¼  February (15)
               o Kwentong Upos
               o Otso-otso
               o Tagpi-tagping daldal
               o Itanong mo sa taga-pluto: Episode 3
               o Kwento sa tanghalian
               o 5★ (bakit madalas huminto ang jeep sa harap mo kah...
               o 10-Bee
               o Manika ni Lorna
               o Si Paula
               o Bangon
               o Itanong mo sa taga-pluto: Episode 2
               o Waley
               o Itanong mo sa taga-pluto: Episode 1
               o Itanong mo sa taga-pluto: Prologue
               o mrowkooB
          + â–º  January (5)

   Mga Kwentong Upos. Awesome Inc. theme. Powered by Blogger.