#Mga Kwento ng Buhay ni Malungkutin - Atom Mga Kwento ng Buhay ni
   Malungkutin - RSS

   skip to main | skip to sidebar

Mga Kwento ng Buhay ni Malungkutin

     * Home
     * Posts RSS
     * Comments RSS
     * Blogger

   ____________________ Search
   Showing posts sorted by relevance for query trabaho. Sort by date Show
   all posts
   Showing posts sorted by relevance for query trabaho. Sort by date Show
   all posts

   Monday, November 16, 2009

Invisible Man

   Posted by Malungkutin at 5:27 PM Monday, November 16, 2009
   Napanood ko last weekend ang 2012, at anak ng tokwa, isa na ito sa mga
   naging paborito ko. Nakakapigil hininga, napapa "eeeeee" nga ako eh.
   Nakakaiyak daw, pero di naman ako tinamaan. Manhid na ata ako (bitter).
   Pero pramis, panoorin nyo sa sinehan, wag sa pirated dvd. walang
   thrill. Ang mga binibili lang na pirated e mga bold at tagalog movies.
   Anyways, ndi tungkol sa pagkagunaw ng mundo ang topic ko ngayon.
   Actually, related pala. Naranasan nyo na bang maging invisible man?
   Bakit kamo related? E para ka na rin kasi nilamon ng ga-building na
   baha dahil ndi ka nag eexist. Kumbaga, parang patay ka na rin.
   Mahirap ang pakiramdam pag invisible man ka. Sana nga e talagang wala
   ka jan para kahit pano magagawa mo ang lahat; manilip, magnakaw at kung
   ano ano pang kasamaan pero hindi. Nakikita ka pa rin ng tao, pero para
   ka lang tae na parang ayaw ni tingnan man lang.
   Sino nga ba ang may gusto maging invisible man? Sino ba ang may gusto
   na para ka lang utot na dadaan at makakalimutan na maya maya. Sino ba
   ang may gusto na wala kang makausap kasi pakiramdam mo e wala rin
   namang makakarinig sa yo. Yung tipo ba kahit ba magbigti ka jan eh
   maaagnas ka na lang eh di ka pa rin pinapansin. Wala. Siguro kung
   naging aso tayo o isda na simple lang mag isip, pwede pa. Pero hindi e.
   Tao tayo. Masakit sa kasin kasin na balewalain ka ng mga tao.
   Kung iisipin naman, maraming dahilan kung bakit nagiging invisible man
   ang tao. Minsan sa katigasan ng ulo, pinipili na lang ng mga tao sa
   paligid na dedmahin na lang. Minsan makapal ang mukha mo na wala ka
   naman trabaho eh umaaasa ka pa rin sa magulang mo. Syempre mag gagalit
   galitan portion sila at di ka na lang papansinin. Meron naman talagang
   tinamaan ng malas at walang nagmamahal sa kanila. Yun yung mga
   lehitimong invisible man.
   Kahit ano pa man ang mga dahilan, di pa rin masaya maging invisible
   man. Oo nga, nakakakain ka, nakakatulog ka, nakakagala ka ng walang
   nakikialam sa yo pero the hell naman. Kahit pano naman makakaramdam ka
   ng hiya diba? Minsan mag eeffort ka, pero babaliwalain ka lang, ano pa
   gagawin mo kundi magpatuloy na lang sa pagiging invisible? Kung
   maghihintay ka naman na pansinin, mas malabo kang makawala sa sumpang
   iyon.
   May mga tao naman na mas pipiliin na lang maging inbisibol...
   Minsan kasi ang mga magulang, hindi nila napapansin na nasasaktan na
   nila ang mga anak nila. Yung iba nga, hindi naman kilala ang anak nila
   pero kung mapagsabihan nila ang mga anak nila e kala mo close sila.
   Hindi naman maaalis yung utang na loob eh. Alam naman natin na kung
   wala sila, wala rin tayo. Sa puntong ito, mas gusto mong maging
   inbisibol. Minsan nga magtatanong ka ng gagawin, dededmahin ka lang at
   kala mo eh isang utot lang ang narinig nila.
   Ang nakakatawa minsan e pag akala mo eh nalampasan mo na ang invisible
   man stage. Ayan ok na ang lahat, maayus na ulit. Hindi ka na samang
   loob na nagkatawang tao. Pero ilang araw lang e babalik na naman sila
   sa dati na di ka tatantanan hanggang sa maging inbisibol man ka ulit.
   Sayang lang ang effort.
   Ano nga ba ang nararamdaman ng isang true blue invisible man? Huwag mo
   itanong yan sa mga magulang at baka ikaw e madamay sa listahan ng mga
   taong ginawa nilang inbisibol men. Hindi nila maiintindihan ang
   generasyon ito. Ni hindi nga nila nalalaman kung ano nga ba interes ng
   kanilang mga anak. Kasi nga, singaw ka lang. Wala kang silbi sa mundo.
   Naalala ko tuloy nung ako eh inbisibol din sa amin. Pinagalitan ang mga
   kapatid ko. Mejo natuwa nga ako nun kasi feeling ko kasama ako dun,
   hindi na ko inbisibol. Nung nagsalita ako na "may ginagawa lang po
   akong trabaho" ang sagot ba naman eh "Hindi naman ikaw ang kinakausap
   ko at wala akong pakialam kung may trabaho ka!" Oh yes diba? Pero in
   fairness naman e kinausap ako, pero wala daw siya pakialam. Ironic.
   Ganun lang siguro talaga, magulang sila. Anak ka lang. Wala kang
   karapatang magalit. Kahit may oras na tama ka, mali ka pa rin. Kung ako
   nasa kalagayan nila, mas pipiliin kong maging inbisibol na lang. Kesa
   naman araw araw magtalo dahil hindi nila maintindihan ang kanilang mga
   anak.
   Siguro ulit ulitin mo na lang ito sa utak mo:
   Isa akong utot
   Isa akong sama ng loob
   Nabubuhay ako para hindi pansinin
   Nabubuhay ako dahil invisible ako
   Congratulations! Welcome sa Malungkutin(aka Invisible) Family
   Labels: Malungkutin Chronicles 0 comments

   Sunday, October 7, 2007

Masama bang maging prangka?

   Posted by Malungkutin at 8:48 PM Sunday, October 7, 2007
   "You will only know one's worth when its already gone"

   Bakit nga ba kelangan pa mawala ang isang bagay bago natin maisip kung
   gano kaimportante ang nawala sa tin? Bakit kelangan natin saktan ang
   ating mga sarili bago natin maisip kung gano katanga ang ginawa natin?
   Ngaun dapat nga maging masaya na ko eh. Kasi halos wala na talaga
   kaming communication ni Cza. Dapat ngaun nag papapizza na ko at
   nagpapainom dahil sa wakas, naisuka na ng sistema ko si Czarina. Dapat
   nagtatatalon ako ngaun kasi tapos na ko sa kadramahan sa buhay. Pero
   meron pa rin syang bakas sa katawan ko. Parang marijuana na nde masyado
   natanggal sa katawan.
   Isang araw kinausap nya ko sa msn. Sinabi nya sa kin na nagresign na
   sya totally dun sa huli nyang work. What's new diba? Magpapadasal ako
   kung magkaroon sya ng trabaho na lalagpas ng 6 months.
   Czarina: I just want to try something new. Something not related with
   my work
   Masama pakiramdam ko sa sasabhin nya...
   Czarina: Gus2 ko itry ung iba, like sa anime industry
   Ako: ha? ano naman gagawin mo dun?
   Czarina: Kahit ano basta maiba lang. Kahit magsimula lang ako sa
   janitress pataas.
   Ako: Amf... sino ka si cinderella?
   Natawa ako. Pero no offence sa mga janitress, ito ung job na maiistuck
   ka lang sa pagiging janitor. Nde pede maging manager or president.
   Czarina: Know what, you have this thing that always bring me down
   What can I do? e natawa ako
   Czarina: Maybe I can try photography. I want to go places. I want to
   take photos of life.
   Sounds interesting.
   Czarina: Samahan mo ko? Hanap tau ng work na may need ng photographer
   huh? what the f...?
   Ako: Alam mo namang may trabaho ako d2 eh. Gus2 ko pa tong trabaho ko.
   Czarina: What about your promise to me? That you will do everything for
   me?
   Lol... ano to blackmaiL?
   Ako: Alam mo ang problema sa yo....
   Saglit naputol usapan namin kasi tinawag ako nung boss namin. Tumakbo
   ako papunta sa boss ko un pala papakita lang ung sexy pic na nakita nya
   sa site. Leche. Anong klaseng tao ba tong mga to?
   Pagbalik ko andami nyang reply...
   Czarina: Tell me what's the problem with me? Am i inconsistent? Am I
   really worthless? Am I not good enough? Am I...
   Dang... puro "Am I" di ko sya magets haha. sinagot ko na lng...
   Ako: all of the above. Masyado kang inconsistent and selfish
   Hinihintay ko sagot nya. Pero mukhang ayaw na sumagot
   Ako: Lagi mong hinihila pababa ang mga taong nagmamahal sa yo. Ano ba
   tingin mo sa min laruan? OO gagawin ko lahat para sa yo pero to the
   point na pababayaan ko na sarili ko, wag na oi!
   Nde pa rin sya nagrereply...
   Ako: Nde ko na kayang tuparin ung pangako ko sa yo....
   Sa mga oras na un nag sign out na sya. Ang saya saya. Di sya marunong
   tumanggap ng criticism. Ako na naman ang lalabas na masama d2...
   Pero diba dapat akong mag "horray!" at "yahuuu!" dahil eto na un eh.
   eto na ung point na talagang di na kami mag uusap. Eto na ung point na
   kanya kanya na kami. Eto na ung time na wala nang promise promise ka ek
   ekan.
   Pero this past few days, namimiss ko sya. Mukha na naman akong tanga.
   Nde lang tanga, gago pa. Nde lang gago, Pu...na pa! Ilang buwan ko rin
   inisip na mawalan kami ng communication totally, pero ngaung and2 na,
   lagi ko naman syang hinahanap. Why o why delilah?
   Ang taong si masayahin bumalik na naman sa pagiging Malungkutin.
   Sinusubukan ko syang contactin pero di sya sumasagot. Dunno whats with
   her, pero naging prangka lang ako sa kanya. Kung sabagay, kung happy
   ending tong kwento na to, mawawalan ang saysay ng pagiging malungkutin
   ko T_T
   Labels: Ang love story ni Malungkutin 0 comments

   Sunday, September 9, 2007

Ang muling pagkikita ni Malungkutin at Czarina

   Posted by Malungkutin at 9:32 PM Sunday, September 9, 2007
   After almost a month, natutuwa ako sa sarili ko kasi nagmamature na
   utak ko. nde na ko yung tulad dati na puro emo lang ang alam hehe.
   Finally, pede ko na sabhin na naka "move on" na ko.
   Isang araw biglang nagtext si Czarina sa kin. "Hey" lang ang laman.
   Rereplyan ko ba or nde? Nagdesisyon na lng ako na wag na lng replyan.
   What for diba? Natututunan ko nang lumimot bakit ko pa kelangang
   buhayin. So ayun tinuloy ko na ung alang wentang buhay ko wuhuu.
   After 5 days naisipan kong magbrowse ng msgs ko sa phone. scroll
   down... down. Basa basa ng mga korning quotes at jokes. Bigla akong
   napatigil sa isa sa mga msgs dun. Czarina.... Naalala ko tuloy ung text
   nya na "Hey". Di ko alam pumask sa utak at bigla rin akong nagreply ng
   "Hey". After 5 mins nagreply si Cza.
   Czarina: Punta ako jan. wait mo ko ha?
   E nagulat ako. Di ko na nagawang magreply. Weh.... ano ba naman tong
   papasukin ko na naman.... T_T
   So after 5 more minutes dumating na sya. Mejo maaliwalas na tingnan
   mukhan nya, though bakas pa rin naman sa mukha nya ung mga "sakit" na
   naranasan nya....
   Czarina: Wassup??? Kamusta ka na? kamusta na trabaho mo?
   Ilang segundo rin akong di nakapagsalita. Gulat siguro? baka. Takot?
   pede rin. Tuwa? pede rin.
   Ako: ayus lang naman! nakaka survive pa naman company namin
   Czarina: thats good to hear!
   Nagkaroon ng mahaba habang "silencio" sa pagitan naming dalawa. Siguro
   pareho kaming naghihintay. pareho kami nag iisip ng sasabhin....
   Czarina: So galit ka pa ba sa kin?
   Ako: Ha? Weh! bat naman ako magagalit sa yo?
   Czarina: E di ba nung nag uusap tau sa msn nagagalit ka sa kin...
   Ako: ah...
   Tungkol dun pala sa msn stat nya na "I love you Leo". Mejo nabadtrip
   ako at sinabihan syang inconsistent.
   Ako: Nde naman ako nagalit mejo nainis lang pero lipas na yun.
   Nakatingin lang sa kin si Cza. Nakangiti sya. Wag mo ko dadaanin sa
   pangiti ngiti mo jan ha! HMP!
   Czarina: Alam mo, ok na ko ngaun. Mejo nakukuha ko na mag smile ngaun
   di tulad dati. although I admit ung pain nde pa rin sya nwawala.
   Nakatingin lang ako sa kanya.... pinapakinggan ang bawat sinasabi
   nya...
   Czarina: Ngaun ko lang narerealize how stupid i became. Masyado akong
   maraming nasaktan na tao. Marami akong pinaiyak...
   Wow! talagang wow... it took her almost a month bago na narealize un.
   Grabe....
   Czarina: Si Mark na laging umiiyak para sa ken... Si Leo na hiniwalayan
   ko.... At si Benny na nasaktan ko ng sobra... ang mga kaibigan kong
   lagi kong binabalewala.... at ikaw... na nagtyatyagang makinig sa kin
   despite our past...
   Naiyak naman ako dun. Pero wala akong tear ducts eh, so di rin tumulo
   ung pawis sa mata.
   Czarina: Ngaun ko lang narerealize lahat to... that everyone is trying
   to reach out for me, but i kept my distance...
   True... very true...
   Czarina: I've been at my limits and really dont know what to do... know
   what, I've realized how good our God is. He never let me go and destroy
   my life completely...
   Hmmm.... interesting napapalapit na sya kay God? wow talaga...
   Czarina: Siguro pumutok lang talaga lahat ng nasa dibdib ko. Ever since
   Im a child, ung mga frustrations, pains at lahat ng sama ng loob ko
   naipon lang. Alam mo, few days ago, I met my former professor. Sya lang
   ang kaisa isang prof na talagang napalapit sa kin. She even told me
   that "all I can see is a lost girl behind a strong facade". Papakilala
   kita minsan dun! She's also the one that can make me calm everytime I
   go berserk. Sya rin ang nagpapakilala sa kin ngaun kay God...
   Wala akong masabe... Sobrang natutuwa ako para sa kanya... sobra...
   Czarina: Im just not ready to face Him right now. Pero little by little
   makukuha ko rin siguro kausapin Sya.
   Ako: gus2 mo samahan kita sa pagbabalik loob sa kanya?
   Ano tong mga sinasabi ko.. nde pa rin ako ready humarap... pero for her
   sake, and also mine, gagawin ko un...
   Czarina: ^_^ (smile ulit). UU nga pala, mag iinquire sa isang spanish
   school dito. Balak ko kasi umalis papuntang Spain para mag trabaho
   There she goes again... pabigla bigla ng desisyon.
   Ako: Ha? ano na naman yan at pabigla bigla ka na naman?
   Czarina: Nde napagisipan ko na to. Gus2 ko na umalis d2....
   Ako: .....
   Czarina: Not that I don't want to see you guys. Kaya lang pano ko
   maheheal all these pain kung titigil lang ako d2? babalik at babalik
   ang lahat ng sakit if im going to stay here...
   Well may punto sya...
   Ako: Kung un naman ang sa tingin mo makakaheal sa yo, then go! Alam mo,
   un lang naman ang gus2 namin. Gus2 naming sumaya ka naman sa buhay mo.
   Kahit tanungin mo mga lalake mo (sabay tawa)
   Czarina: gaga! >.<
   Pero nagulat ako ah! nde nya ko sinabunutan, sinampal, sinuntok o
   sinipa. Napaka calm nya ngaun...
   Czarina: Di ko nga alam bat madami nagkakagus2 sa kin. Nde naman ako GF
   material. Sabi ni mark sa kin, meron daw 'sumthing" sa kin. Ikaw ano ba
   nagustuhan mo sa kin?
   Damn... ano na naman to?
   Ako: dunno. Yun din ang gus2 ko sabhin eh. may "weird" aura ka na nang
   aakit ng mga kalalakihan hehe.
   Czarina: ganun? hayzz.... Newayzz meron pa kong request sa yo
   OMG! Waaaaa.....
   Ako: a-ano un?
   nautal ako talaga. pwera biro hehe
   Czarina: Enroll tau sa isang spanish school! mura lang naman tuition!
   sabay tau mag aral.
   Ako: Ngak! ano naman gagawin ko dun?
   Czarina: e di empre para mag trabaho sa spain! sige naaa... promise?
   Ako: Ayoko nga magpromise. Di ba sabi ko sa yo, mga desisyon sa buhay,
   pinagiisipan yan ng 100x! nde basta basta yan
   Czarina: I know. Please think about it soon! please...
   Ako: Bigyan mo ko ng mgandang rason bakit kelangan kita samahan?
   Czarina: (Nagpause saglit) Wala na ko makakasama dun...
   Grabe pang iipit neto waaaa...
   Ako: Ok payn sige na...
   Czarina: Yey!!! hahaha sabi na eh makukuha kita dun eh haha
   Deym ur logic deym ur twisted mind.. hehe
   Czarina: Tara na uwi na ko. hatid mo ku
   So ayun naglakad kami. Pinipilit pa rin nya ko sumama dun sa spain
   habang naglalakad kami pauwi. Nakarating kami sa kanto ng street
   nila... So i guess this is goodbye ulit...
   Czarina: hatid mo na kaya ako dun sa min?
   Nagulat ako dun. Kasi nde nya ko pinapasama pauwi sa kanila. Karaniwang
   hanggang kanto lang paghahatid ko sa kanya. Ayoko bigyan ng kulay to.
   Pero masaya ako ngaun...
   Nung paalis sya, ako ang huling lalakeng pinuntahan nya. Nung nandito
   na sya, ako rin ang unang lalakeng pinuntahan nya (Well, nde daw
   counted ung mga tropa nyang lalake pati si mark kasi sila ung pumunta
   dun sa bahay nila ^_^). Coincidence? siguro. Mahal na nya ko? nah....
   Kung meron man akong natutunang leksyon sa relasyon namin, un ang wag
   lagyan ng malisya ang bawat kilos nya. Atleast ngaun alam ko na ok na
   sya. Time na lng kelangan nya para gumaling. Hindi ko man kaya gamutin
   lahat ng sakit na naranasan nya, basta I'm just gonna be here during
   her healing period...
   Labels: Ang love story ni Malungkutin 1 comments

   Friday, November 30, 2007

Ang pagtatapat sa library

   Posted by Malungkutin at 5:06 AM Friday, November 30, 2007
   Mahigit isang linggo na ng huli kong nakita si Jamie. Siguro nga ganun
   na lang talaga un. Kiningailangan nya ng comfort, so binigay ko naman
   un sa kanya. Nde na rin ako nagagawi sa park... sa swing. Simula nung
   matapos ung bakasyon ko, tambak ang mga trabaho. Balik alila na naman
   ako sa mga koreano. Malapit ko na talaga iboycott ang jamppong.
   Walang araw na nde ko sya inisip. Kainis naman. Mejo apektado ako pero
   di ko alam kung bakit. Acquintance lang kami. Siguro pareho lang kami
   natuwa sa paglalaro ng larong yon kaya nagkasundo kami. Mejo tumigil na
   ko sa pagbili ng crossword. Wala na yatang silbi pa. Araw araw akong
   dumadaan sa park na yon at umuupo sa swing. Nagbabakasakali ako na
   makita ko sya at magtapat na rin. Pero sa loob ng isang lingo, ni bakas
   nya di ko makita. Yung school ni May nde ko na naaabutang bukas kasi
   nga nasa trabaho ako. Kainis talaga...
   Isang araw nagpasya akong maglakad na lang pauwi. Mejo nawala na sa
   isip ko si Jamie dahil mejo natanggap ko na. Sakto napadaan ako sa
   isang library malapit sa min. Kahit ganito hitsura ko, mahilig din
   naman ako magbasa. Nagtataka lang ako, bigla kong nagustuhan magpunta
   sa library. E ang binabasa ko lang naman eh FHM at Maxim. Habang
   naghhanap ako ng magandang fiction books, parang may napansin akong
   babae na nagbabasa sa isa sa mga tables dun. Napa "shit" ako. Si Jamie!
   Tumayo ako sa likod nya.
   Ako: Bakit bigla kang nawala? bakit ni nde mo man sinabi sa kin na wala
   ka nang balak makipagkita?
   Mejo nagulat si Jamie. Napahagis ung crossword na sinasagutan nya.
   Grabe naglalaro pa rin pala sya nun?
   Jamie: Pasensya na... kasi meron akong mga problema ngaun. Nahihirapan
   ako ngaun. Ayaw ko naman mag alala ka at ayaw ko na rin na pati ikaw e
   mamoblema sa problema ko.
   Ako: E handa naman ako makinig sus. Alam mo namang and2 lang ako para
   sa yo eh. E ano ba problema mo?
   Jamie: Alam ko alam mo na yung tungkol kay William. Kasi nakita ko ung
   reaksyon mo nung nasulat ko ung name na yun. Nabanggit din sa kin ni
   Mylene nung pagkatapos nyo mag usap. Andun ako... kaya lang nde na ko
   lumapit. Balak ko na rin sabhin sa yo.
   Sumisikip dibdib ko lol. Nde pa nga ko nagtatapat basted na hehehe T_T
   Jamie: Si William kasi... siya ang nagpasaya ulit sa kin dati nung
   nalulungkot ako. Naging masaya ung mga time na kasama ko sya. Alam mo
   kung ano rin ang libangan namin nun? Ang paglalaro nitong... crossword
   puzzle...
   Unti unti ko nang naiintindihan... kung bakit naging malapit s ya sa
   kin...
   Jamie: Dati bibili pa kami ng dyaryo ni Will tapos sasagutan namin
   pareho. Sa mga simpleng bagay, napapasaya nya ko. Basta kumpleto araw
   ko pag nakakasama ko sya. Pero isang araw, bigla sya nagpaalam sa kin
   na pupunta sya ng ibang bansa. Kelangan nya daw muna ayusin ang buhay
   nya... kung sakali daw magkakatuluyan kami, wala daw mangyayari.
   Nde ako makapgsalita. Yung mga words parang naipon lahat sa lalamunan
   ko.
   Jamie: Sinubukan kong pigilan sya pero nung nagsimula na sya magsalita,
   nde ko na nagawa pang kumontra. Ayaw ko kasi ng diskusyon. Basta naisip
   ko na lang na makuntento na lang kung anong patutunguhan ng relasyon
   namin. Alam mo sabi nya sa kin "Mag ingat ka d2. Ingat ka sa mga
   manloloko d2 ha? Basta ikaw lang ang nandito *turo sa dibdib*".
   Nde ko alam kung matatawa ako o maiiyak ako. Ang gandang coincidence
   neto....
   Jamie: Nung nakilala kita, kala ko magiging ayos na ang lahat. Kasi
   nagagawa mo kong pasayahin. Mejo nakakalimutan ko na nga sya eh. Pero
   isang araw bigla syang tumawag sa kin. Biglang bumalik ang lahat ng
   nararamdaman ko sa kanya. Dun ko naisip na umiwas sa yo. Kasi nagiging
   malapit ka na sa kin, ayaw ko namang lokohin ka at paasahin... don't
   get me wrong pero i really like you a lot. Siguro nga may feelings ako
   sa yo, pero nde ko talaga alam. Mahal ko pa rin talaga si Will
   Tsuk! Tsuk! tsuk! alam ko na kung bakit. Nabanggit siguro ni Mylene na
   balak ko sya ligawan. wow. Sarap pakinggan ng mga bagay na to. hahaha.
   nababaliw na ata ako
   Jamie: Ngaun kuntento na kami sa ganitong setup. Long Distance love
   affair nga daw tawag nila. Naalala mo nung sinabi ko sa yo na lalapitan
   kita dati pero kausap mo si Mylene?
   Ako: yep
   Jamie: Kasi balak ko sabhin ito agad lahat sa yo. Ayaw ko rin kasi
   mawala ka. Parte ka na ng buhay ko. Sabhin na nating napakaselfish ko,
   pero ganun talaga... sorry talaga
   Bumuntung hininga ako. Kainis. Buti na lang, manhid na ako ng kaunti
   kaya konting kirot na lang. Mga 200 saksak ng icepick lang ung katumbas
   na sakit.
   Ako: Basted na pala agad talaga ako hahaha. Oh well...
   Jamie: Nabanggit kasi sa kin ni Mylene na... un nga...
   Ako: Bweno sanay naman ako maging shock absorber eh. Alam mo naman ung
   kwento ko kay Czarina diba? Siguro magiging shock absorber mo na lang
   ako.
   Jamie: Naman eh. Wag ka namang ganyan
   Ako: Sus ayus lang ako. Nde naman ako mawawala and2 lang naman ako
   naghihintay sa yo eh. Oh pano, kelangan ko na umalis maaga pa ung pasok
   ko bukas eh. Usap na lang tayo bukas
   Jamie: Ok. Ingats pauwi
   Lumabas na ko mula sa library. At nagsimula maglakad pauwi. Napadaan
   ako sa may park. Nagpasya akong umupo muna sa swing. Nde ko mapaliwanag
   ang nararamdaman ko. Parang pinipiga ang puso ko. Kasabay ng kalugmukan
   ko ang paglakas ng hangin. Ung mga basura nagliliparan sa mukha ko kaya
   nagpasya na ko tumayo at umuwi na lang. Nag napadaan ako sa mga puno ng
   mangga, sunod sunod na pagbagsak ng mga dahon nito. Ang drama ng
   setting no? Bigla kong natanong sa sarili ko, bakit nga ba kung sino pa
   ung nagmamahal, sya pa ang nde makuhang mahalin? Bakit kung sino pa ung
   handang tumayo sa tabi mo, sya pang binabale wala? Nde ko talaga makuha
   ung logic ng ganun. Kibit balikat na lang akong naglakad pauwi.
   Nadaanan ko rin ung shop na nilalaruan ko pero wala na kong gana
   maglaro. Gus2 ko na lang umuwi. Sigurado namang bukas, ok na ulit ako.
   Sigurado naman akong mabubuhay pa rin ako bukas...
   Labels: Ang Love story ni Malungkutin Book 2 0 comments

   Sunday, October 14, 2007

May pag ibig sa chat?

   Posted by Malungkutin at 9:43 PM Sunday, October 14, 2007
   Ang mundo ng internet... Ang mundo kung saan ang lahat ng bagay ay
   pedeng maging posible. Pede kang maging babae, pede kang maging lalake,
   pede kang maging macho, pede kang maging payat, pede kang maging
   superhero. Ika nga sa globe, lahat posible.
   Nde ako naniniwala na ang isang bagay na galing sa internet ay
   magkakatotoo sa totoong buhay. Nde pde magkaroon ng TL sa internet.
   Bah, sino ba naman ang maiinlove sa isang taong nakikita mo lang
   magchat, nagsesend ng mga ninakaw na pix sa internet at nag iimbento ng
   kung ano anong drama sa buhay may maikwento lang? Sus, kung ako ang
   tatanungin, mga walang buhay ang mga taong nagchachaga magchat para
   lang may masabing may lablayp. Pero syempre ako, kelangan ko magchat.
   Pisting trabaho kasi nakakatamad hahaha.
   Isang araw may nakilala akong babae thru chat. Ok naman sya. Maboka.
   Maingay. Mapilit hehehe. Empre nde nawala dun ang walang kamatayang
   "asl?" at ang walang kamatayang reply na "Oic". Nagsimula kaming mag
   usap ng kung ano anong bagay. Usap kami ng usap. Minsan sa sobrang wala
   na kaming mapag usapan puro emoticons na lng sinasabi namin.
   Isang araw nakapag usap kami ng seryoso. Di ko alam pumasok sa isip ko,
   pero nagsimula ako mag open sa kanya. Kahit ang totoong katauhan ni
   malungkutin nasabi ko sa kanya. First time ko nagtiwala sa isang tao na
   di ko kilala. Nagulat ako ng nagsimula na rin syang mag open sa kin.
   Kahit ung kasingit singitang sikreto nya, sinabi nya sa kin. Napa "wow"
   ako. First time ko rin maramdaman ang sinseridad just by reading her
   texts. Ganito ba ung feeling nung mga nahuhumaling sa chat?
   Ilang araw pa ang nagdaan, nagsimula na rin kami magtext. simpleng
   hello! at quotes lang. Mejo natuwa ako kasi binigay nya number nya sa
   kin kasi sa iba ayaw nya ibigay. So ayun, tuloy ang chat. Nag chat kami
   almost everday. Kahit may trabaho ako, nagchacchat pa rin ako. Minsan
   nga di ko napansin nasa likod ko na pala ang boss ko, sabi lang nya
   "your girlfriend?" sabi ko "No sir, she's just my friend". Ngumiti lang
   ung kumag sabay sabing "hmm.. beautiful". Atleast di nagalit hehe.
   Isang araw bigla ko na lng akong may naramdamang kakaiba. Dahil sa
   kanya nakakalimutan ko ung drama ko sa buhay. Dahil sa kanya,
   nararamdaman kong may totoong tao akong kausap. Mas totoo pa nga sya
   kesa d2 sa opisina namin, puro plastik ang tao. Dahil din sa kanya
   naiba ang pananaw ko sa buhay. Sa tingin ko nahuhulog na ko sa kanya.
   Pero madami syang problema, alam ko un, pero ayaw lang nya sabhin pa
   lahat. Alam kong may gus2 syang iba at wala naman akong magagawa dun.
   Sinubukan kong iopen sa kanya ang aking nararamdaman. Sinabi ko sa
   kanya na nagsisimula ko na syang magustuhan. Sinabi nya sa kin "Bakit
   lahat ng taong nakakaalam ng mga sikreto ko, nahuhulog sa kin?". Bah sa
   kin ba itanong un? Ewan ko nahulog ako sa kanya eh. Siguro dahil na nga
   sa sincerity kaya ngaun tumitibok ulit puso ko.
   Siguro pede nyo na rin ako isama sa mga taong walang buhay. Ngaun
   naniniwala na ko na pedeng mainlove just thru chat. Nde ako naghihintay
   ng kung ano pa man sa kanya. Di ko hinihingi na mahalin nya rin ako.
   Basta ang alam ko mahal ko sya, un ang mahalaga.
   Sanay naman ako sa "unconditional love" so siguro pede ko rin gamitin
   ang ganitong salita para sa kanya...
   Labels: Ang Love story ni Malungkutin Book 2 0 comments

   Tuesday, August 14, 2007

Nang unang Mabasted si Malungkutin

   Posted by Malungkutin at 10:06 AM Tuesday, August 14, 2007
   Grabe Madaling araw na gising pa ko… Malapit na mag umaga gising pa rin
   ako… Maaga pa naman pasok ko... SIguro isa sa dahilan ay labis kong pag
   gamit sa aking maliit na utak (hehe). Haggang ngaun gumagana pa rin
   sya. Bigla nga ko natawa nung bigla kong naisip nung una akong binasted
   ni Czarina.
   (Flashback…. Puro flashback ang istorya ko no? ^_^)
   Czarina: Oi tapusin ma na tong trabaho mo!
   *sigh* Di pa rin sya kuntento sa pagtapak sa aking pride. Sobrang wasak
   na kaya? Pero di ko na magawang magalit sa kanya. Halos 3 months na ko
   nagtatrabaho kasama sya, at sa tingin ko nagus2han ko na sya. Isa itong
   patunay na may exception sa bawat rule. Ang rule na “First impression
   lasts” ay nde applicable sa kanya. Sa totoo lang, parang exempted sya
   sa lahat ng bagay. Bigla na lng ako napangiti.
   Czarina: What’s funny eh???
   Ako: Wala. Tapos na po ako ma’am.
   Czarina: Ew.. don’t call me ma’am (sabay smile)
   Di ko gus2 ngiti nya pero la ko magagawa. Nakasanayan ko na sabihin eh.
   Kahit ayaw nya la na sya paki.
   Umupo sya sa unit nya. Tapos maya maya bigla na lng tumatawa ng mag
   isa. Mukhang di sya exempted after all hehe. Nilapitan ko sya tapos
   tiningnan ko ung ginagawa nya. Nagbabrowse pala ng mga pet sites. Bah!
   Mahilig nga pala sya sa mga pets, lalo na sa aso (bigla kong naalala
   ung aso nyang basahan ROFL!). Nakakatuwa sya mag giggle habang
   tinitingnan ung mga pictures ng mga aso. Siguro isa rin to sa mga rason
   bakit ko sya minamahal ngaun….
   Napagpasyahan kong sabhin lahat ng nararamdaman ko sa kanya bukas. Wala
   namang mawawala kung gagawin ko yun. Desidido na ko…
   Kinabukasan…
   Ako: Usap tau mamayang uwian ah?
   Czarina: What for?
   Ako: Basta….
   Pagkatapos ng trabaho namin, naglakad na kami pauwi. Sinabi ko ang
   lahat lahat ng nararamdaman ko sa kanya. Nde ko maipinta ang mukha nya.
   Alam ko nashock sya sa mga sinabi ko.
   Cza: Well.. you know…
   Well…. Di ko na maalala ang mga sinabi nya dahil karamihan dun ang
   English. Dahil ako ay isang lalakeng Pilipino, mas mahal ko ang ating
   salita kaya ayun, nakalimutan ko. Pero ang nilalaman ng mga sinabi nya
   ay…
   BASTED AKO
   Sinabi nya na prens lang tingin nya sa kin. Sinabi nya na naguluhan
   lang ako sa naramdaman ko dahil naging sobrang bait nya sa kin. Sabi
   rin nya na nde lahat ay pede makuha. Ung linyang un ang di ko magets.
   Nde ko naman hinihingi ang lahat sa kanya, gusto ko lang na mahalin nya
   rin ako. Pero nde. Nde nya ko kayang mahalin…
   Pagkatpos ng lahat ng nangyari, bigla ako nanlambot. Siguro nga masyado
   ko lang nilagyan ng malisya ang closeness namin. Siguro kelangan ko na
   lng lumayo para wala na ko maramdamang kahit ano sa kanya. Alam ko isa
   sa mga reason kasi mahal pa rin nya ung ex nya (di ko alam kung ex pa
   rin nga, pero dati kasi nung nagkita sila magkahawak sila ng kamay
   tapos nag kiss. Pero sa ibang kwento ko na lng un babanggitin hehe).
   Kinabukasan, di na sya pumasok sa office namin. Meron din kasi syang
   sama ng loob sa mga boss namin kaya siguro umalis. Tapos dumagdag pa
   siguro ako. Wrong timing siguro ung mga sinabi ko… Pero ganun talaga…
   parang pakiramdam ko kelangan ko talaga sabhin. At nung sinabi ko na
   wala namang mawawala sa kin kung sasabhin ko un, kabaliktaran ang
   nangyari. Nawala pa nga ang lahat sa kin…
   Nde na kami nag usap simula nun. Nag uusap pala at nagkikita paminsan
   minsan pero di na gaya ng dati.
   Czarina: uyy… wag ka na magalit sa kin please?
   Ako: Haha (Tawang bitter) di naman ako galit ah? Sino may sabi?
   Czarina: Nde naman ako manhid para di ko maramdamang umiiwas ka eh
   Right. So sensitive na sya ngaun… olrayt!
   Ako: E alam ko madami ka problema kaya ayaw ko lang dumagdag.
   Czarina: So umiiwas ka nga?
   Ako: (Duh?!!?) Nde nga poooo (Sabay pasok sa shop)
   Dito kami unofficially naghiwalay. Matagal tagal din kaming di nakapag
   usap…
   (end of flashback)
   Mag 5 am na. Ayoko na mag isip. 4 hrs na lng papasok na naman ako.
   Magkikita nga pala kami ni Cza mamayang gabi. Kelangan kong magpahinga
   muna.
   To be continued….
   Labels: Ang love story ni Malungkutin 0 comments

   Monday, September 11, 2017

Kapit

   Posted by Malungkutin at 12:17 PM Monday, September 11, 2017

   "Oo mahal din kita"

   Yan na yata ang pinakamasarap na salita na narinig ko sa buong buhay
   ko. Tila umikot ng doble.. hindi.. triple ang mundo ko nung narinig ko
   ito. Sabi ko pa sa sarili ko, ako na nga yata ang pinakamasayang tao (o
   hayop) sa buong mundo.

   Akalain mo sa milyong katao sa bansang to, ako pa yung napili mo. Isang
   napaka ordinaryong tao. Isang invisible man. Yung tipong kahit ako na
   lang ang pagpipilian, mukang maiitchapuwera pa rin ako. Hindi ako
   mahihiyang umakyat sa overpass at ipagsigawan ang saya na nararamadaman
   ko. Mahal kita. Mahal mo ko. Kilig mats.

   Mahal. Mahal. Mahal. Anong nangyari?

   Lumipas ang mga araw.. mga buwan.. mga taon. Bakit tila ang salitang
   mahal ay kayhirap nang bigkasin. Bakit ang mga tingin mo ay makakabuo
   ng yelo sa sobrang lamig? Bakit ang pag aaway ay tumatagal ng dalawa...
   tatlong araw bago maayos? Bakit ang salitang mahal ay napalitan ng
   galit?

   Ano nga ba ang nangyari?

   Sa paglipas ng taon, unti unti tayong naging kampante. Nasanay tayong
   andito ako.. andyan ka. Nasanay tayong sa huli, tayo pa rin naman.

   Sa sobrang nasanay tayo, nagkasawaan tayo.

   Naalala ko pa nung unang naging tayo. Hindi natin mabitawan ang kamay
   ng isat isa. Inaabot tayo ng umaga sa kaka skype kahit na isang bahay
   lang naman ang pagitan natin. Naalala ko yung saya mo tuwing susunduin
   kita sa trabaho mo. Naalala ko yung umiyak ka sa tuwa ng sinupresa kita
   nung birthday mo. Pero parang haggang alaala na lang yata ito..

   Naalala ko nung una tayo nag away. Muntik na gumuho ang mundo ko pero
   kumapit tayo. Kumapit tayo kasi nangibabaw yung pagmamahalan natin.
   Hanggang sa naulit ng naulit ng naulit ng naulit ang di natin
   pagkakaunawaan.

   Mahal, kumapit ako na may pag asang maaayos natin ulit ang lahat. Anim
   taon na tayo ngayon pa ba tayo susuko? Kumapit ako sa pangako natin na
   walang aayaw.. na tayo pa rin hanggang sa huli. Pero mahal, ang sakit
   sakit na.

   Ang sakit sakit na na makita kang gabi na lagi umuwi pero hindi ako ang
   kasama. Ang sakit na masaya ka kasama ang mga kaibigan mo kesa sa akin.
   Ang sakit nung nagpaalam ka na pupunta ka lang sa pinsan mo, pero iba
   ang iyong pinuntahan. Ang sakit nung nalaman ko na lihim ka na palang
   nagkakagusto sa iba. Ang sakit sakit.

   Pero kumapit pa rin ako. Kumapit parin ako nung humhingi ka ng tawad.
   Kumapit kaai ako sa pangakong tayo pa rin sa huli. Na kahit marami nang
   nangyari.. mahal pa rin kita. Pero ang tanong ko sa yo.. bakit kelangan
   mo ulit ulitin??? Bakit kailangan mo kong iputan ng paulit ulit?? At
   bakit kita pinapatawad kahit paulit ulit din??

   Hanggang kelan ba ako kakapit?  Hanggang kelan ako maniniwala sa ating
   pangako? Mahal kita. Mahal mo ko. Yun lang naman importante diba?

   Pero siguro kailangan ko na rin bumitaw. Kailangan ko na rin siguro
   palayain ka sa pangako natin na tayo pa rin hanggang huli. Hindi ka na
   masaya, ramdam ko yan matagal na. Kailangan ko na siguro bitawan ang
   kadena na nagbibigkis sa ting dalawa. Kailangan ko nang tanggapin na
   hindi na tyo para sa isat isa.

   Mahal kita, mahal mo ko pero kelangan na natin putulin ang lubid na
   kinakapitan natin.

   Mahal kita.. mahal mo ko.. paalam sa yo.
   0 comments

   Monday, April 29, 2013

Ang Bagong Simula

   Posted by Malungkutin at 12:51 AM Monday, April 29, 2013
   Ang init. Sa sobrang init, di pa ko nakakapasok sa trabaho ng tuyo ang
   buhok ko. Pwede na nga ako i-cast sa isang bomba film; lagi kasi ako
   wet look. Kung anong init ng sikat ng araw e sya namang lamig ng aking
   puso.
   Kelangan ko isingit e. Kelangan ko maging emo XD.
   Pero diba? wala naman kasing pinipiling araw ang pagiging emo mo e. Ako
   ba ilang taon na kong di nakakapagsulat dito kasi akala ko masaya na
   ko? Akala ko kasi hindi ko na kelangan sumulat dito kasi akala ko
   kumpleto na yung buhay ko. Kalokohan na ang saya saya ko pero malungkot
   pa rin isusulat ko.  Pero isang araw e bigla ko na lang naisip
   bisitahin ulit to. Ang galing nga, kasi naaalala ko pa yung account na
   to samantalang nasobrahan ako sa pork, sa beans... Ang laki ng memory
   gap ko. Natuwa pa nga ako at meron pa ring nag cocoment sa mga luma
   kong post.  Pero nung pag check ko e puro ads lang pala na kesyo ang
   cool daw ng sinulat ko. Na kesyo ang saya daw basahin nung sinusulat
   ko.  Puro nga ka emohan to ano masaya dun? Ayan nalungkot na naman ako
   Anyways, minsan kasi talaga dumadating nga yung time na nagiging
   sobrang happy ka.  Akala ko nga pinagsakluban ako ng langit at lupa.
   Malay ko bang nabuhusan pa rin ako ng swerte.  E nagsimula lang naman
   sa isang inuman. Isang inuman na hindi ko sukat akalain na magiging
   simula ng mahaba habang happiness..
   *Ring* *Ring*
   Malungkutin: Hello? Pare o kamusta? abot pa ba ako sa birthday mo?
   Ronnie: Oo pare abot na abot ka pa. Kasisimula pa lang namin. Asan ka
   na ba?
   Malungkutin:  Malapit na ko. Ilang tumbling na lang andyan na ko.
   Ronnie: Sige bilisan mo. Mahirap makipag inuman sa mga lasing na haha
   Totoo. Ang hirap nga. Pagdating ko dun, ayun kala mo mga baboy na
   nakawala sa kural. Ang gagaslaw. Ako ang nalalasing sa kanila.  Pero
   natuwa naman ako makita sila ulit. Ilang taon din akong di umuuwi sa
   probinsya namin.  Namiss ko lang ang tropa kaya naisipan kong umuwi.
   Ronnie: Pareh!!! Pakiss nga hahahaha. Maupo ka jan. Maraming alak
   Tropa:  Aba akalain mo buti di ka naligaw hahahaha.
   Yun ang pinaka nakakainis na naririnig ko sa tao.  Bukod kasi akala mo
   mga miyembre ng Glee dahil sabay sabay magsalita e akala mo naman ang
   tagal ko nawala.
   Malungkutin:  Hahaha (tawang naiirita). Nasa maynila lang naman ako e.
   Para naman kayong mga tanga.
   Nagtuloyan ang inuman. Tawa dito. Tawa doon. Kwentuhan ng mga nakaraan.
   Si Ronnie sumusuka sa may paso. Nakakatuwa sila panoorin malasing haha.
    Akala ko masaya na ko nun, nang biglang may narinig akong kumakatok sa
   pinto nina Ronnie.
   Babae: Ronnie! Abot pa ba kami? Lasingan na ba kayo?
   Kahit sumuka na e tumayo pa rin sya at binuksan ang pinto. Pagbukas
   nya, bigla nagslowmo ang paligid ko at napatingin lang ako dun sa
   babae.  Parang may narinig pa nga akong tugtog na "tut tut tut
   tutuut... I know this much is true..." Yung kantang True ng Spandau
   Ballet. Akala ko sa pelikula lang nangyayari yun... Well, oo di nga
   totoo yun kasi ringtone pala un nung isa kong tropa na tulog na.
   Parang sinakto talaga sa moment
   Masayahin yung babae. May kasama itong bakla at pareho silang tawa ng
   tawa.  Parang napa "Oh no, tumibok na naman ang puso ko." Pinapasok ni
   Ronnie yung dalawa at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Agad ako
   kinilala nung bakla pagkaupo pa lang. Kaya lang wala akong pakialam sa
   kanya kasi sa iba nakatuon ang pansin ko, sa kasama nya.
   Nang kakausapin ko na sya e biglang bumalik lahat ng sakit at takot
   pag nakakakilala ako ng babae. Naisip ko na hindi ko na siguro
   kelangang i push to kasi baka maulit na naman yung dati. Nang walang
   ano ano ay bigla syang lumapit.
   Babae: Hi ako si Cristina. Pede mo ko tawaging Tina. Magsalita ka naman
   dyan kanina ka pa walang imik. Hahaha
   Parang napanood ko na to ng ilang ulit ha. Tatapakan din ata nito
   pagkatao ko.
   Malungkutin: Haha pasensha na Tina. Kasi mejo kinakapa ko pa ulit tong
   mga to. Matagal ko nang di nakikita tong mga to.
   Tina:  Oo nga daw e. Ikaw kilala na kita dati pa, pero tahimik ka lang
   kasi. Tara inuman pa haha
   Dahil nga bata pa lang e ulyanin na ko, di ko sya matandaan. Pero
   siguro makikilala ko rin ito pagdating ng araw. Dumami pa ng dumami
   ininom namin hanggang sa ilan sa kanila e gumagapang na pauwi.
   Pinagtatawan ko sila habang umupo ako sa labas ng bahay nila. Agad
   akong nilapitan nung kasama ni Tina at hinihingi ang number ko. Pero
   dahil walang fone etong kasama ni Tina, Yung phone nya ang ginamit para
   isave ang number ko. Nagkuwentuhan kami ng kaunti hanggang sa nagpasya
   na ko umuwi. Nag insist sila na ihatid ako sa min.  Natatawa ako kasi
   para akong babae na kelangan ihatid pa.
   Tina: Wag ka na magreklamo basta ihahatid ka namin.
   Nang nasa malapit na ko ng bahay ay pinauwi ko na sila.  Nag group hug
   pa nga kami dahil daw new friend nila ako. Nagpaalam na kami sa isa't
   isa. Tinitingnan ko sila pauwi ng lumingon si Tina. Para akong binaril
   ng mga mata nya kasi napakaganda ng mga mata nya. Napabulong na lang
   ako sa sarili ko at nasabing "Patay tayo dyan"
   ---------------- ITUTULOY-----------------------
   Labels: Ang Love Story ni Malungkutin Book 4 2 comments

   Saturday, July 21, 2012

Rejection ba kamo?

   Posted by Malungkutin at 11:18 PM Saturday, July 21, 2012

   [stock-photo-9336796-young-woman-pushing-a-man-away.jpeg]

   Oh eto mabalik tayo sa ka emohan at makabagbag damdaming usapan.
   Masyado ata ako natuwa sa buhay ko nakalimutan ko na bawal nga pala ako
   sumaya. Chos.

   Alam mo ba ang feeling na parang ginagawa mo na ang lahat pero kulang
   pa rin? Yung tipong kulang na lang e sungkitin mo ng literal ang mga
   bituin sa langit? Di ba parang sampal sa mukha na para bang napaka
   useless ng effort mo?

   Ganun siguro talaga pag wala kang boses sa puso nya. Kahit anong sigaw
   at tawag ay hindi nya maririnig ang mga sinasabi mo. Kahit ilang beses
   mo nang nag rereach out, ilang beses kang kumakayod para sa isang tao,
   hindi nya marerealize yun. Kasi nga sarado ang utak nya sa yo. Wala
   syang ibang maririnig at makikita kundi ang sarili nya ang mga hinaing
   nya sa buhay. Kaya ayun. Mananatili kang invisible man.

   Sabi nila ang mga babae daw e gusto lang na pinakikinggan sila. E bakit
   ba minsan itry ko lang nq pakinggan sya e minasama pa at bakit daw ako
   walang imik. Para daw akong walang pakialam sa kanya. Duh??!!?!
   Napakamot ulo na lang ako. Mga babae talaga. Sala sa init sala sa
   lamig.

   Nakakalungkot lang kasi isipin na gusto mo lang naman sya pasiyahin.
   Gusto mo lang na maalis yung sakit na nararadaman nya. Ggawin ang
   lahat-magadvice, tumulong at makinig lang. Pero isa lang ang resulta;
   isang masamang tao ang tingin nya sa yo. Ang pangit pa dito may mga
   linya pang "pare pareho kayo. Hindi nyo ko maintidihan!" kung
   makahambing naman e wagas. Hindi nya malalaman na nakakasakit na pala
   sya kasi nga, again, sarado ang puso nya sa yo. Ang mahalaga sa kanya
   ang problema nya lang. Period.

   Pero in fairness naman naiintindihan ko mga ganitong tao. Mga may
   saltik sa utak na konting problema lang e akala mo ay pinagsakluban na
   ng langit at lupa. Mahirap din naman sila tlaga kalamayin ang loob
   kasi, again and again, sarado ang puso nila. Sabihin mo nga lang na "ok
   lng yan" e magagalit na sila sa yo at ssbhing insensitive ka.  pag
   nabadtrip naman sila sa dun sa nag emo, magagalit na naman at sasabhing
   walang nakakaintindi sa kanila. Diba?

   Para sabihin ko sa mga emo jan na tao, hindi lang kayo ang may
   problema. Hindi lang kayo ang hindi natatanggap sa trabaho. Hindi lang
   kayo ang nauubusan o nawawalan ng pera. Hindi lang kayo qng namatayan.
   Hindi lang kayo ang sinumpang magpapasan ng lahat ng problema. Mas ok
   nga sana kung ganun pero hindi. Hindi rason na hindi mo mabago ang
   pagiging negative mo. Yung iba nga e kaya bakit ikaw hindi? E
   parepareho lang naman ang kinakain natin. Ok lang naman kasi ang
   malungkot pag narereject pero hanggang kelan mo ba dadamdamin ang
   problema? Till the end of time? Everlasting? Habang may buhay?
   Forevermore? Magpakailanman?

   Pero syempre dahil hindi importante ang mga iniisip at sinasabi ko,
   wala na namang makikinig sa kin. Sabi nga nila it's easier said than
   done kaya alam ko namang mahirap maging positive sa buhay. Pero ang mag
   emo sa isang bagay ng mas matagal pa sa 3 araw? Hindi pa ba naubos ang
   luha mo sa isang araw? Kaya sana kayong mga may mga problema basahin
   nyo na lang mga sinulat ko dito.

   Kasi kung rejection lang din naman ang pag uusapan, hindi ako bago jan.
   Kaya nga eto ang pen name ko diba?

   Hahaha. *sob* :(
   Published with Blogger-droid v2.0.6
   5 comments

Bagyo na naman

   Posted by Malungkutin at 1:21 AM

   Tag ulan. Baha. Traffic. Basang medyas. Basang damit... Pantalon...
   Brief....

   Nakakainis ang tag ulan pag nasa maynila ka. Nagmimistulang waterworld
   ang kamaynilaan tuwing uulan ng malakas. Pero kung sa dagat e mga isda
   makikita mo, dito kakaiba. Mga patay na daga, ipis, basura at minsan
   may makikita ka pang diaper na bagong tapon. Nice diba?

   Ang pinaka masaya kapag bumabagyo e yung pauwi ka na galing trabaho,
   school o kung saan man kayo pumunta. Isang malaking adventure ang
   dadaanan mo sigurado. Para ka lang si dora na may mapa ng mga obstacle
   na dadaanan. Kelangan magaling ka sa mga detour kasi siguradong wala
   kang diretsong madadaanan. Bakit kasi nagbabaha pa e. Buti sana kung
   nakapaa lang tyo kaso pano mga nakasapatos? Bawat tapak mo e may tubig
   na mapipiga. Hassle di ba?

   Nakakainis din ang mga sasakyan pag tag ulan. Hindi ka na makasakay
   dahil sa dami ng tao, dadaan pa ng walang modong driver ang baha at
   syempre, paliliguan ka ng tubig kanal. Ayos diba?

   Ang pinaka nakikinabang lqng naman sa bagyo e yung mga gumagawa ng
   tulay o kahit anong sasakyan para makatawid ang mga tao. Kung araw araw
   bumabagyo sigurado mga milyonaryo tong mga to.

   At amp. Ang trapik. Jusko haha. Nakakadalawang pelikula nq ang bus e di
   pa ko nakakauwi. Nkakapanibago tuloy at hindi ka emohan ang nakasulat
   dito. Parang hindi tuloy ako. Eto epekto ng trapik. Nakakapagsulat ng
   kaunting reklamo habang stuck sa trapik gamit ang cellphone ko.

   Bigtime na ang papa mo. Haha.
   Published with Blogger-droid v2.0.6
   0 comments

   Friday, October 28, 2011

Forbidden Love?

   Posted by Malungkutin at 10:30 AM Friday, October 28, 2011
   "E ano nga ba ang pakialam ko kung magalit sila? E sa mahal ko e, paki
   ba nila!"
   Yan. Eksakli. Yan ang mga madalas na linya ng mga taong pumapasok sa
   bawal na pag ibig. E bakit nga ba? E ano nga ba ang alam ng mga
   impokritong tao tungkol sa pag ibig? Naranasan na ba nilang may kahati
   sa atensyon? Naranasan na ba nilang umagaw ng mga nakaw na sandali?
   Naranasan na ba nilang mag date habang katext nung isa ung jowa nya?
   Wala. Wala silang alam. Ang hirap kaya nun diba? Kung tutuusin, mas
   bilib pa ko sa kabit, kasi nagagawa nyang isakripsyo lahat para dun sa
   isang taong yun. Hindi lahat kaya isuko ang pride ang makuntento sa
   hating pag-ibig. Pede na nga syang barilin sa Luneta. Isa syang bayani.
   Ang hindi ko lang maintindihan, sa dinami dami ng tao naman kasi na
   magugustuhan mo, e yun pang may kadena na sa leeg. Ilang bilyon ba ang
   mga tao? Anong probability na sa ilang bilyong tao na meron ang
   planetang ito, sya pa ang napili mo? Ang weird. Destiny? No way. Kahit
   kelan hindi ko matatanggap na dahil sinabi ng kalangitan, dahil
   nagtugma ang mga zodiac sign nyo, dahil nagpantay pantay ang mga
   planeta, dahil may falling star, ibig sabihin ay meant to be kayo. Ano
   kayo mga hayop? Na kahit sino na lang pwede?
   Sabi ng iba, gusto nila ng challenge... ng thrill kaya nila nagagawa
   yun. Pwde ka namang tumalon sa hinulugang taktak o kaya mag slide mula
   Tagaytay papuntang Taal. Yun, napakachallenging nun. Anong thrill ang
   mapapala mo sa pagiging isang kabet? Yung thrill na baka mahuli? Yung
   challenge na kaya mong agawin ang isang taong taken na?
   Ganyan daw kasi tayong mga tao - marupok. Mas inuuna ng tao ang puso
   kesa sa utak. Bakit nga ba ganun e ang silbi lang naman nga ng puso ay
   magbomba ng dugo para mabuhay tayo. Bakit pilit nating binibigyan ng
   ibang trabaho ang puso natin? Huwag na natin antayin na mastress ang
   puso natin at magpasa ng resignation letter.
   Karaniwan, inililink ng mga tao (a.k.a. mga babae ang bawal na pag ibig
   sa mga lalake. Mga lalake raw ang madalas gumawa ng ganito. Mga lalake
   raw ang dapat sisihin kung bakit nauso ang salitang "Kabet". Oo normal
   sa lalake ang magkagusto sa iba. Narinig ko nga dati na ang mga lalake
   raw ay likas na polygamous. Pero wala namang magiging manyak, ma-EL na
   lalake kung walang malanding babae, diba? Wala namang mangyayari kung
   hindi mo titingnan o ieentertain yung thought na "Ui, pwede to ah?".
   Dito magsisimula ang walang katapusang turuan na wala naman talagang
   makakapagsabi kung sino ang nauna. Hindi kayo (mga babae) papayag sa
   sinabi ko diba?
   Sa huli wala rin naman ako magagawa. Ano nga naman ba ang karapatan
   kong magsermon e wala naman akong alam sa mga ganyang bagay. Makukuha
   ko pa bang mangaliwa, e kahit nga kanan wala ako.....
   .... Oo pinilit ko lang ipasok ang bitterness ko.
   Labels: Malungkutin Chronicles, Seryosong usapan 7 comments

   Sunday, January 30, 2011

Stress

   Posted by Malungkutin at 9:50 AM Sunday, January 30, 2011
   Natry nyo na bang mastress ng sobra sobra sa buhay? Yung tipong mitsa
   na lang ang kulang e pede ka nang gamitin bilang paputok sa bagong
   taon? Yung tipong pinagsakluban ka ng langit at lupa.
   I did. Naks.
   Hindi ko nga maintindihan kung bakit ako naiistress. Happy-go-lucky
   naman ako. Wala akong pakialam sa ibang tao basta wag lang din akong
   pakikialaman. Minsan nga, tinawag akong kabayo kasi nga naman daw, pag
   naglalakad ako e diretso lang ang tingin na parang may takip ang mga
   gilid ng mga mata. Op kors nasisira lang ang concentration pag may
   bebot nang nakasalubong. Para akong sa exorcist na umiikot ang ulo
   kakahabol ng tingin.
   Eniweys, nakakainis mastress. Papasok ka sa umaga, di ka pa man
   nakakaupo e katakot takot nang sakit ng ulo ang makukuha mo. May mga
   katrabahong maiingay... may mga katrabahong kalikot ng kalikot.. meron
   ding ikot ng ikot. Ang nakakainis pa e yung mga tipong napakakukulit na
   kala mo e mga grade 1 lang at tuwang tuwa sa paglalaro. Nak ng teteng,
   alas 7 pa lang ng umaga, nasisira na agad ang araw mo. Minsan nga e
   gusto ko hagisin ng mug sa bunganga. Naisip ko lang e sa hirap ng buhay
   ngayon, dadagdag pa sa gastusin ang pagpapabunot sa mga nasirang ngipin
   dahil sa binato kong mug.
   Isang araw naisipan kong magdala ng ipod. Sosyal. Pag upo ko pa lang ay
   nakasalpak na sa mga tenga ko ang mamahaling headset ko. Olrayt, may
   padrums drums pa ko sa hangin habang pinapakinggan ang Awit ng Kabataan
   with matching papikit pikit pa. Pagmulat ng mata ko napansin ko na
   parang lahat sila e tahimik at nakatingin lahat sa kin. Bakit wala na
   kayong maburyong na tao kaya lahat kayo natahimik? Naisip ko na
   tagumpay ito para laban sa mga kampon ni shalala. Napatingin ako sa isa
   kong katrabaho. Ngumunguso sya sa likod ko. Pagtingin ko sa likod e
   bigla akong napatalon sa upuan ko. Ampota may dragoooooonnnn!!!!! Mga
   10 segundo ko narealize na boss ko pala ang nakita ko at galit na galit
   na dahil kanina pa pala nya ko tinatawag. Katakot takot na mura ang
   inabot ko. Akala ko pa naman e makakatanggal stress ang pakikinig ng
   music habang nagtatrabaho. Yun pala, mas madodoble lang ang stress na
   mararanasan ko. Simula nun, pinagbawal na ang pagsusuot ng headset sa
   trabaho.
   Sa hapon, jan mo mararanasan ang tugatog ng stress. Sa mga ganitong
   oras kasi papasok ang mga deadlines, last minute meetings, revisions...
   lahat ng pedeng gumulo sa magulo mo nang utak, anjan lahat. Ang sakit
   sa ulo na nagkukumahog kang matapos ang isang bagay e itatapon lang sa
   mukha mo at sisigaw na "DO IT AGAIN!!!!". Dito lumakas pa lalo ang
   paninigarilyo ko. Maya't maya ako nagyoyosi. Nakakatanggal daw kasi ng
   stress yun pero bakit parang masakit na ata ang baga ko e lalo pa ata
   ako nasstress???
   Sa wakas tapos na ang araw mo. Sa wakas, makakapagpahinga ka na at
   matatanggal ang stress sa araw na ito. Pero pag akyat ko ng MRT...
   lintik na iyan. Daig pa ang Ligo sardines sa dami ng tao. Grabe. Yung
   ugat ko noo e naglalabasan dahil sa pagkayamot. Ok lang sana na
   siksikan e. Ang di kasi maganda sa ganyan e ang halo halong amoy na
   malalanghap mo pag nakipagsiksikan ka. Minsan matatyambahan ka pa ng
   mga ulupong na mandurukot at yung payslip na pambigay sana ke misis e
   matatangay pa. Masisigawan ka pa at iisiping may kulasisi ka dahil wala
   kang maiabot na pera. Lintik na buhay to. Stresssssss.....
   Pagktpos ng mga halos 3 oras na pagbabyahe, makakarating na ko sa
   bahay. Diretso kama ako at excited na nagtanggal ng mga sapatos.
   Hayy.... ang sarap mahiga ng kama. Hindi pa ko nakakalimang minutong
   nakahiga e biglang magdadatingan ang barkada. Dahil pinanganak ata ako
   na may sumpang hindi pedeng tumanggi, ayun napainom na nga. Inabot na
   ng madaling araw bago natapos ang inuman. Ok na rin kasi kahit kaunti e
   natuwa naman ako kakapanood ng mga katropa kong mayayabang sa inuman e
   puro naman sukahan. Tawa ako ng tawa ng tumingin ako sa relo. Omaygas,
   alas 5 na ng madaling araw!!!!
   Para akong nahulasan bigla at dali dali akong tumakbo ng CR. Parang
   limang minuto lang ako naligo dahil malalate na ko. Hindi na ko pede
   malate kasi at magkakamemo na dahil sa dami na ng late. Takbo ako.
   Nagulat ako ng di gaano madaming tao ang MRT. Akala ko pa nung una e
   meron na namang bomb scare kaya takot ang mga tao sumakay. Natuwa naman
   ako kahit pano e di ko na kelangang makipagsikiskan.
   Ang aga ko dumating. 6:30 pa lang. Dali dali akong pumasok ng opisina.
   Kahit may hang over e pinagdasal ko na lang na sana e di ako gano
   mastress. Pagpasok ko e parang gulat na gulat ang gwardiya. "Ser bat
   andito kayo?" ang gulat na tanong nya. Ngumiti lang ako at
   nagdirediretso. Nang nakakasampung tapak pa lang ako mula sa gwardiya,
   biglang umakyat ang dugo sa ulo ko. Para akong hihimatayin.....
   ..... Sabado na pala. Walang pasok.
   Muntik na kong mag breakdown sa sobrang stress.
   Labels: Kwentong Kanto, Malungkutin Chronicles 22 comments

   Friday, June 25, 2010

Average Joe

   Posted by Malungkutin at 3:36 AM Friday, June 25, 2010
   normal adj. 1 ang mga regular na, average, dati,
   run-of-the-mill, ordinaryo, unibersal, pangkalahatan, karaniwan,
   tipikal, ayos lang
   Average.... ordinaryo.... karaniwan....
   Marami sa tin na ganito ang description sa halos lahat na bagay. Kapag
   tinanong mo kung maganda ang pelikula, ang karaniwang sagot ay " ayos
   lang.." Kapag tinanong kung madali ba ang exam, ang sagot ay "ayus
   lang". Pag tinanong ka kung pogi ang boylet ni babae ang sagot e
   "Mabait" (Although malayo sa normal ung sagot, pero yun kasi lagi ang
   ordinaryong sagot ng mga tao).
   Ganyan tayo. Ganyan ako. Isang normal na tao na may normal na buhay na
   may normal na pamilya na may normal na pangarap. Wala ka itulak kabigin
   sa kin. Isa akong napaaaaaaka normal na tao...
   Na sa sobrang normal e nakakainis na....
   Hindi kasi ako katulad nina John Lloyd na gwapo. Hindi kasing macho ni
   Derek Ramsay (Lamang lang sya ng mga.... 30 paligo). Di rin ako kasing
   galing kumanta tulad ni Jovit ng Pilipinas Got Talent. Hindi rin ako
   kasing galing ni Caguioa sa basketball. In short... wala akong talent.
   Kumbaga, isa akong jack of all trades... pero master of none. Pero diba
   atleast nagagawa mo ang maraming bagay. Yun nga lang, wala kang fans
   kasi NORMAL ka lang. Hindi nag eexcel, hindi nag sstand out.
   Bata pa lang ako alam kong nakasulat na sa gulong ng palad na magiging
   isang saling pusa ako sa buhay. Nung elementary ako, out of 30, pang 20
   ako. Nung highschool, out of 42 pang 31 ako. Nung college ako, hindi ko
   na nabilang kasi marami kami, pero nasa bandang gitna ako. Aba... nung
   nagkatrabaho ako, nung nakita ko ang ranking ng performance namin, out
   of 52, pang 27 ako. Oh diba? San ka pa? Nung nagtapon ng katalinuhan,
   kagandahan at lahat ng kung ano ano pang maganda e parang half sleep
   ata ako.
   Di ko nga alam bat ganito ang naging buhay ko. Dati lagi ko sinasabi na
   magiging presidente ako ng Pilipinas. Eh pano ako magiging presidente e
   kahit man lang escort sa class officer e hindi ako makuha? Napakaplain,
   napakasimple. Wala akong katangian na mapapa WOW ang mga tao. Kahit nga
   sa pagsusulat, masasabi ko pa ring average lang din ako. Hindi ako
   makapagsulat ng english kasi inaabot ako ng isang oras para lang
   maisulat ang gusto ko sabihin. Pag tagalog naman, puro ka jejehan ang
   nasusulat ko sa katamaran ko magtype. Pano ba aaasenso ang mga taong
   average lang? Wala. Mag uubos ka ng 12 oras sa trabaho mo e kulang pa
   rin ang sasahurin mo.
   Yan naman ang realidad ng buhay e. Mga matatalent, winner. Mga average,
   Loser. Kahit sa larangan ng pag ibig e. Ano pipiliin mo? Yung gwapo o
   yung normal lang (like, mabait?). Wag impokrito syempre mas mapapa
   first look ka sa may itsura at hindi sa hitsura pa.
   Naalala ko tuloy nung high school student pa ko. Gusto ko maging js
   king. E kaso wala e. Kahit anong plastic surgery ata ang gawin ko sa
   mukha e wala talaga. In the end, ni isang babae e wala ako naisayaw. It
   hurts diba? /Wrist.
   Pero in fairness naman, may mga advantages din naman ang pagiging plain
   or normal e. Hindi ka mahoholdap kasi iisipin nila wala ka namang pera.
   Hindi ka makukuyog ng mga tao, kasi hindi ka naman pansinin. Bago ka
   pag isipan ng masama ng mga tao, yun munang mga mukang halang ang
   bituka ang iinvestigahan. Hindi ka mapapagod pag may liga kayo kasi
   hindi ka na mapapansin ng coach mo para paglaruin ka. Pwede ka rin
   magkasyota, yun e kung totoong merong taong naghahanap ng "simpleng"
   magiging kapartner (Kung meron man, takte, jackpot yun pre). Oh diba
   napakarami?
   Ikaw? Gusto mo bang maging average joe lang? Gusto mo bang matulad sa
   kin na parang hatsing lang na pagkatapos kang i hatsing e pupunasan ka
   lang ng tissue? Ayaw mo? Pwes simulan mo nang magka ADHD at
   magpakabibo. Sumisip sa Boss at gawin ang lahat para mag stand out.
   At habang ginagawa mo yan, nawa e hindi ka patulan ng mga tao sa
   paligid sa pagiging pampam. Ayt~
   Labels: Malungkutin Chronicles, Seryosong usapan 0 comments

   Thursday, January 14, 2010

Ang Barkada

   Posted by Malungkutin at 6:55 AM Thursday, January 14, 2010
   Ang bilis lumipas ng panahon. 2010 na, kalain mo dumighay ka lang ng
   kaunti, tapos na pala ang taon. Ni indi ko nga naramdaman na nagpalit
   na pala ang taon. Kakahintay ko kasi ng bagong taon eh ayun, nakatulog.
   Kaya pala madalas ako antukin nitong mga nakaraang mga araw. Isang taon
   pala akong laging tulog.
   Sa bilis ng panahon ay marami na ring nagbago. Yung pantalon mo na
   skinny jeans ay nagiging balabal na lang sa leeg mo kasi yung hita mo e
   pang dalawang butas na ng pantalon. Yung mga damit mo e pinapamana mo
   na lang sa mga kapatid o anak mo, at ang lagi mong katwiran eh papasko
   mo na ito sa kanila. Sapul ba? Bang!
   Naalala mo ba yung mga panahon na naglalaro tayo ng piko, tumbang preso
   at kung ano ano pang mga larong kalye? Yung mga panahong ang mga kuko
   natin eh pede nang taniman ng kamote sa kaitiiman? Yun bang panahon na
   kulay green na ang mga uhog natin dahil tamad tayong punasan o suminga?
   Nakakamiss talaga ang nakaraan.
   Naalala ko tuloy nung high school pa ko. Unang beses ko humithit ng
   usok. Buti sana kung yosi nga ito pero yung tangkay ng bayabas ang una
   kong natikman. Totoo, dyan ako natuto. Leche nga eh, dahil dun ayan,
   puro butas na ang baga ko.
   Nakakamiss din yung kulitan at asaran ng barkada. Para kasing ang saya
   saya lagi ng buhay pag sila lagi mong kasama. Parang nakakalimutan mo
   lahat - yung pagpapaluhod sa yo ng nanay mo sa munggo, sa pagsasako sa
   yo dahil sa kakulitan mo... ganun kasaya. Minsan nga nasasabi natin na
   mas mahal pa natin sila kesa sa mga magulang natin. Kasi nga, sila yung
   nakakaintindi sa kalokohan natin, sila yung tipo na nasasakyan ang trip
   natin. Ang barkada ang parang bumubuo sa kalahati ng buhay natin (Sabay
   patugtog ng San na nga Ba ang Barkada ng APO, parang mali pa ata title)
   Kaya lang dumadating talaga ang time na nagbabago ang lahat. Syempre,
   hindi naman tayo pede maging bata na lang habambuhay. Anjan na yung
   time na tatanda tayo... makakakilala ng ibang tao... matututo na ang
   buhay pala e hindi lang puro laro ang kasiyahan. Malalaman natin na
   meron din palang ibang tao na pede natin makasama. Malalaman natin na
   kelangan mo ring magbanat ng buto para may makain na pansarili.
   Lilipas ang panahon, maghihiwalay hiwalay rin ang landas ng barkada.
   Merong makakahanap ng magandang trabaho sa ibang lugar at doon na
   mabubuo ang buhay. Meron naman makakakita ng bagong environment na feel
   nya eh masaya sya dun. Meron naman magkakagalit at hindi na
   magkakausap. Dun mo marerealize at matatanong sa sarili na "ano nga ba
   ang nangyari?"
   Kasi nga pag bata, wala tayo alam gawin kundi magsaya. Wala tayo
   pakialam kung ito bang taong ito eh sensitive o kaya e tsismosa. Kasi
   nagiging "comfort zone" natin ang barkada. Hindi man natin ito
   napapansin pero kahit gano kayaman man o kahirap, katalino o kabobo,
   lahat nagkakaroon ng pantay na wavelength.
   Ngayong tumatanda tayo, dyan natin narerealize ang mali ng bawat isa.
   Habang natututo tayo sa buhay, nalalaman natin na may mali sa mga
   nangyayari. Natututo tayong umiwas, o ang mas masaklap,
   magsawalangkibo. Dahil sa mga rason na ito e unti unti nagkakalamat ang
   akala natin na solid na tropahan.
   Kapag dumating ka na sa stage na unti unti na nawawala ang barkada,
   dito mo maramramdaman ang panghihinayang. Mararamdaman mo na ang
   samahan na binuo mo ng matagal na panahon e mawawala lang dahil sa
   lintik na kasabihang "walang permanente sa mundo, kahit ang barkada
   nyo". Kahit ano pang effort ang gawin mo upang subukan i mighty bond
   ang basag na tropahan, wala na. Para ka na lang kumakain ng hotdog na
   walang ketchup. Masaklap diba?
   Ang sarap sana dumating yung panahon na bigla na lang natin
   makakalimutan ang mga naging pagbabago at magsama sama ulit tulad nung
   mga bata pa tayo. Yun tipo bang matatanggap natin ang pagkakaiba ng
   isa't isa. Yun bang mapagtatawanan natin ulit ang pinakamaliit na
   bagay. Yun bang mawawala ang paghuhusga sa isat isa at matutunan natin
   mahalin sila ng walang tanong tanong. Sana isang araw, bigla na lang
   magsulputan ang bawat isa sa barkada na nag hi high five sa isat isa.
   Hindi pa naman siguro huli ang lahat diba? Kampay pa!
   Labels: Malungkutin Chronicles, Seryosong usapan 0 comments

   Tuesday, October 6, 2009

Bakit Nga Ba Ako Nagsusulat?

   Posted by Malungkutin at 9:46 PM Tuesday, October 6, 2009
   Sa wakas meron na ring pumapasok sa utak ko. Palagi na lang kasi ako
   ganito. May maiisip, pag kaharap na ang monitor at keyboard,
   nabablanko. Bibili ako sa kanto, may papasok na idea pero pag uwi ko,
   tinangay na lahat ng hangin. Ganito nga siguro ang mga writers, mental
   block ang number 1 kalaban.
   Pero kahit minsan, di ko inisip na isa akong writer. Kung susuma tutal
   mo nga lahat ng naisulat ko na, lahat un e base sa katangahan ko sa
   buhay. Badtrip nga at kelan ko lang narealize na gusto ko pala
   magsulat, na meron din natutuwa sa mga sinusulat ko kahit pano. E 3rd
   yr college na ko nun, alangan namang magshift pa ko, syang ang pera.
   Pagsusulat.
   Eto ang malayang pagpapahayag ng mga saloobin, opinyon o kung ano mang
   kuro kuro na nais mo sabhin, gamit ang tinta at papel. Pero panahon pa
   ni kopong kopong yang tinta at papel. Meron na ngayong mga computer.
   Meron ding mga blog sites na tulad nito na pedeng magsilbing papel mo.
   Di ka pa manghihinayang sa tinta o magagalit dahil sa pagtatae ng
   bolpen mo. Malas mo lang kung brownout o di kaya e nasa kaduluduluhan
   ka ng Pinas na walang kuryente.
   Kung iisipin mo, hindi lahat pede maging writer. Merong iba na kala mo
   laki sa star rice sa galing sa pagsasalita pero subukan mong pasulatin,
   lusaw na ang monitor kakatitig e wala pang nasusulat. Pagsusulat kasi
   kelangan gumamit ng utak. Ewan ko ba kung bakit ako nahilig sa
   pagsusulat e wala naman ako nun. Lagi sinasabi ng mga magulang ko na
   matalino raw ako. Pero wag sanaying sabhin ito sa mga anak nyo kasi
   siguradong lalaki silang tamad mag aral.
   May kanya kanyang style sa pagsusulat. Merong bibo at kawili wili ang
   mga sinusulat. Merong nobela at kung ano ano pa. Dito mo makikita kung
   anong klase ng tao ang nagsusulat. Sa totoo lang ginagamit ko rin
   minsan na batayan sa paghusga ng tao ang galing o sama nila magsulat.
   Kasi sabi nga nila, dito mo malalabas ang lahat, kaya nga merong mga
   diary ang mga girls e.
   Minsan lang nakakainis pag nakapasok ka sa isang kumpanya na
   nangangailangan ng pagsusulat. Dapat e magkakapareho kayo ng style.
   Ilang beses na ko nakipagtalo noon sa manager at sa boss ko na ganun
   ang style ko. Pero syempre sila ang nasa posisyon, wala naman ako
   magagawa. Naaalala ko minsan sinabi pa sa kin nung boss ko na
   napakahusay raw nung sinulat ko. Lahat sila e puro "thumbs up" ang
   ginagawa. Pero nung binasa ko ung sinulat ko, wala akong makitang ni
   isang salita na ginamit ko. lahat binago, kahit ung sense nung sinulat
   ko binago. Ok lang sana ung mga edited, kasi normal un, pero ang
   baguhin ang lahat bukod sa title, ibang usapan na yon. Yung katrabaho
   ko e natuwa para sa kin pero sinabi ko na rin na hindi naman ako
   nagsulat non, sila na.
   Madami akong hinahangaang mga author. Stephen King, Dan Brown at marami
   pang iba. Sa local lagi ko binabasa pa rin ang mga libro ni Bob Ong.
   Para ngang sya ata ang inspirasyon ko sa pagsusulat. Sa totoo lang
   kasi, ang style ay ndi automatic na nakukuha ng tao. Nanggagaling ito
   sa ibat ibang libro o sa panahong ito, mga blogs na nababasa ng isang
   tao. Ndi ka naman magkakagustong gawin ang isang bagay ng wala kang
   nakikitang may gumagawa nito ng maganda. Kahit ang mga bading, bakit
   karamihan sa kanila e pagpaparlor ang trabaho? Kasi nakikita ng mga
   pasibol pa lang na bading na magagaling sila sa ganung "field" kaya
   ayun ang kanilang nagiging pangarap.
   Kung may maipapayo man ako sa mga gustong magsulat, iyon ay ilagay mo
   sa puso ang pagsusulat. Wag tumulad na pag nagustuhan lang magsusulat.
   magpractice, at magsulat lamang ng mga bagay na kumportable ka. Kung di
   ka magaling sa english, wag pilitin at baka yung love story nobela mo e
   maging comedy. Sa pagboblog naman, di na kelangan ng major editing pero
   syempre, kelangan mo pa ring basahin ulit ang mga pinopost mo. Higit sa
   lahat, mahalin mo ang pagsusulat. Kung kelangang katabi mo ang iyong
   bolpen at papel, gawin mo. Make love to your hobby/profession. hehe.
   Labels: Malungkutin Chronicles 0 comments

   Wednesday, August 5, 2009

Ang buod

   Posted by Malungkutin at 4:08 PM Wednesday, August 5, 2009
   Pagkalakas lakas ng ulan naman. Yung mamahalin kong payong ayun nilipad
   at nabaliktad. Grabe naman kasi. Parang hanggang ngayon eh nakikiramay
   pa ke Pres Cory ang panahon. Ayaw ko talaga ng ulan. Pramis. Naaalala
   ko lang ang kilikili kong namamasa pag umuulan
   Eniweys, eto na ako. May panibagong trabaho. Panibagong pakikisama.
   Halos maluko ako dun sa mga koreanong bano. Mabuti naman dito e
   natututo ako mag ingles ng maayos. Kano eh. Ngayon ko nga lang
   nalalaman na.. Pota ansama pala ng accent ko. Talagang hanggang ngaun
   eh sinusumpa ko pa rin ang mga koreano. Kung pede nga lang ako magtayo
   ng org na mala - "Ako Mismo" gagawin ko. Ako mismo... Ako mismo
   magtatapon sa mga koreano sa Ilog Pasig.
   Ano na nga ba ang nangyari sa kin sa nakalipas ng ilang buwan o taon?
   Si Czarina ayun loka loka pa rin. Ndi pa rin makamub on dun sa
   pinagpalit sa ken. Bah, yan ang napapala ng mga manhid at walang
   pakiramdam. Nakakausap ko pa sha paminsan minsan, pero ndi na tulad ng
   dati. Nawalan na ko ng amor sa kanya. Parang, ewan ko, siguro eh
   lumipas na lang talaga ang kung ano man naramdaman ko sa kanya. Last ko
   narinig eh ibebenta na raw bahay nila.
   Si Jamie, ayun matagal ko nang di nakkausap. Nagkaroon kami ng di
   pagkakaunawaan nung huli kaming mag usap. Di ko na nga maaalala kung
   ano napag awayan namin eh. Basta ayun mapride ako, mapride sya. Nawala
   na lang bigla. Pinipm ko sya minsan kaso mukang binlock na nya ako.
   Sabi ba naman dati, pinagsisishan daw nya na nakilala nya ako. Ksakit
   sa kasin kasin nun diba? hehe. Pero kasalanan ko naman eh. Gus2 ko lang
   siguro madrama, ayun nasobrahan ata.
   Si Jane, yun from time to time nakakausap ko pa. Oo sila pa rin nung
   boylet nyang taga Saudi. Tanggap ko nang ang magkaapelyido e kelanman
   ndi pedeng magkatuluyan. Ang huli kong balita eh nag exam ulet sya pero
   nung tiningnan ko ung result wala ulet pangalan nya. Kakalungkot.
   Nakikita ko sya online, pero di ko magawang kausapin kasi di ko alam
   kung pano ko sisimulan.
   Suma tutal, nakamove on na ko. Ndi pala pedeng habambuhay kang magiging
   malungkutin. Akala ko dati, sa tuwing magiging shock absorber, bulak,
   aso, alila e makakahanap ako ng pag ibig. Malaking pagkakamali. Akala
   ko kelangan ko lang magpursige. Minsan pala kelangan mo lang maghintay,
   kelangan mo lang pakiramdaman na eto na, eto na yung tinadhana sa yo.
   Nasobrahan kasi ako sa panonood ng komersial nina Mar at Villar. Akala
   ko kasi e kelangan "Lalalaban tayo" at kelangan lang ng "Sipag at
   Tiyaga". Ndi na pala kailangan ng mundo ng mga martir, at mga martir e
   binabaril lang sa Luneta.
   Ndi ko masisisi ang mga katulad kong malungkutin. Alam ko ang
   pakiramdam ng gagawin mo ang lahat para lang sa isang tao eh wala pa
   rin. Yung tipong kung kaya lang abutin ang buwan at araw eh ibibigay
   nya sa taong yun. Yung tipong kung kaya mo lang maging si Superman at
   gawin ang lahat lahat eh. Pero hindi. Hindi ito panaginip. Isa itong
   realidad na kailangan nating tanggapin. Masyado na rin akong maraming
   luha (oh ha), pagod, pawis, baby fats na sinayang sa loob ng maraming
   taon.
   Alam nyo, minsan dumadating ang mga taon iyon sa mga di mo inaasahang
   panahon. Yung mga tipong tatalon ka na lang sa tulay eh bigla mo
   makikita sya. Ako nga eh handa na sanang lumaklak ng baygon nung bigla
   syang dumating sa buhay ko eh. Kung sino sya, sa susunod na lang na
   kabanata.
   Labels: Malungkutin Chronicles 0 comments

   Saturday, August 9, 2008

Exam day

   Posted by Malungkutin at 1:08 PM Saturday, August 9, 2008
   Magandang alon!
   Dapat last week pa ko magsusulat, pero akalain mo tinatablan pala ako
   ulit ng sakit. Kasi naman hiling pa ko ng hiling na magkasakit ako,
   ayun tinrankaso ako. Di bale, ang sexy ko ngaun, pumayat ako dahil sa
   sakit haha.
   2 days bago mag exam si Jane, nagtext sya sa kin
   Jane: Jan na nga lang ako makikitulog. Ang layo ng bahay ko sa pag
   eexaman ko. hehehe. Joke lang.
   Sus, If I know gus2 mo lng talaga na ialok ko na sa min sya matulog.
   Style nya mejo bulok na
   Ako: Sige ok lang dito ka na lang matulog. Mahihirapan ka pa gumising
   Jane: Ok lang ba? Ok lang ba kay Alvin? Baka naman makaabala ako dun sa
   boarding house nyo?
   Si Alvin nga pala ung kasama ko sa kwarto. Di ko pa nakakausap si
   Alvin, pero oo agad ako. E syempre makikitulog daw sa min eh hehehe.
   Ako: Ok na un. Basta bukas, sunduin na kita jan senyo. D2 ka na
   matulog.
   Jane: Yehey! sige salamat! salamat ng marami!
   Kung di ba ako sang kalahati... si Alvin kasi mejo masungit. Pag nasa
   bahay un, gus2 nya sya lang kasi matutulog daw sya. Ayaw nya ng maingay
   o may ibang tao. Katakot takot na panunulsol ang ginawa ko mapapayag ko
   lang sya. Grabe daig pa namin ang mmda at motorista sa kotongan at
   suhulan...
   Kinabukasan, sinundo ko na sya. Mga 7 na kami nakarating sa min.
   Nagreview sya ng mga isang oras habang ako nakahiga lang sa kama ko at
   nakikinig ng music. Maya maya bigla nya ko pinitik sa tenga
   Jane: Tara kwentuhan muna tayo. Ngaun lang ulit tayo nagkasolo eh.
   Ngumiti ako. Pero ung tenga ko... ung tenga ko... UNG TENGA KO ANG
   SAKIT WAAAAAA
   Naupo kami sa lamesa habang nagkukuwentuhan kami. Tawa kami dito tawa
   dun. Ang saya saya ko nung araw na yun. Tinutulungan ko rin sya
   magreview review. Maya maya..
   Ako: CR lang muna ako ha, wait lang ha?
   Nagwiwi lang ako at nagyosi ng mga 5 mins bago pumasok. Pagpasok ko ng
   kwarto, ang damuha, tulog na agad. halos 5 mins lang ako nawala, tulog
   na agad. Grabe pala to hehe.
   Habang natutulog sya, pinagmasdan ko ang mukha nya. Ang tgal kong
   nakatingin lang sa mukha nya. Parang anghel lang sya pag natutulog. Di
   mo akalaing may sungay at buntot din. Maya maya, nagpasya na rin ako
   matulog. Sana ngaung gabi, mapanaginipan ko sya (hahaha sumosobra na
   ata emo mga sinusulat ko lolz).
   Kinabukasan, exam day. Hinatid ko si Jane sa sakayan ng taxi. Ayaw nya
   magpahatid dun sa pag eexaman nya, ayaw daw nya ng may iniisip pang
   ibang tao. Bweno sige. Bahala sya. Pagkaalis nya ay naligo na ko, at
   natulog na lang ulit. Pagkarating nya ng gabi, ayun todo kwento na
   naman. Kala mo di nag exam. Ok lang naman daw ung exam, di pa gano
   kahirap. Biniro ko pa nga na kakasabi nya ng madali, babagsak sya.
   Tinaasan nya ko ng kilay. Omaygulay, daig pa nya acido sa pagtunaw.
   Niyaya ko na lang sya kumain sa jolibee para di magalit. Ngaun ko lang
   sya nakasama ng mahaba haba simula ng nakilala ko sya. Ang iniisip ko
   lang e para sa kinabukasan. May pasok na ko bukas....
   Kinabukasn part two, last day ng exam nya. Nag good bye kami at
   ginoodluck ko sya. Ako naman dumiretso na ko ng trabaho. Sabi ko sa
   kanya na hintayin nya ko makauwi para ako na maghatid sa kanya pabalik
   sa kanila. Pagdating ng tanghali, nagtext sya sa kin..
   Jane: Uy... salamat sa pag ampon mo sa kin ha? Nagkita nga pala kami ni
   Tommy dito sa robinsons. Sa kanya na lang ako papahatid. Salamat ng
   marami!
   Bigla kumulo ung giniginaw sa aircon kong dugo. Matapos ng lahat ng
   sakripisyong ginawa ko sa kanya, ung isang request ko lang hintayin ako
   para ihatid sya, binalewala lang nya. Ang sakit kaya sa bunbunan isipin
   non? Di ko sya nireplayan sa inis... pero sya na rin ang nagtext ulit.
   Jane: bat di ka na nagreply? Galit ka ba?
   Bat kaya mga babae di nag iisip? Dapat ba ako matuwa sa sinabi nya?
   Ako: Kasi naman feeling ko binabalewala mo ako eh... ung mga ginagawa
   ko ngaun para sa yo. Sabi ko namang hintayin mo na ko at ako na
   maghahatid. Isang text lang sa yo nyang ex mo..
   Ex nya nga pala ung Tommy. How sweet.
   Mejo matagal sya sumagot, malamang nag iisip pa ng dahilan.
   Jane: E kasi ang sama na rin ng pakiramdam ko, kaya nung nag alok sya
   umok na ko. Wag mo namang isipin na wala kang halaga sa kin... mali ung
   iniisip mo. Saka papahatid lang ako... Sa lahat ng dapat ko
   pahalagahan.. ikaw po un. Sorry kung un ung iniisip mo..
   Ok. Apologies accepted. Ganun lang un. Nabola na agad ako.. Di lang ako
   isat kalahati..... samput kalahating one fourth.... ganun ako katanga
   hehe. Pero atlis naman nakauwi sya ng maayus, di nga lang sa paraan na
   gusto ko. Napatingin na lang ako sa langit at nagwikang "Not again"
   hehe
   Labels: Ang Love Story ni Malungkutin Book 3 0 comments

   Saturday, September 29, 2007

"Emo" moments sa MOA

   Posted by Malungkutin at 8:31 PM Saturday, September 29, 2007
   Ilang araw nang umuulan. Bat ba parang sinasadya ng langit na umulan
   ngaun? Nung humihingi kami ng ulan para sa "sign" na un nde umulan.
   Tapos ngaun parang walang tigil naman. Tsk. Naisip ko na lng siguro
   nakikiramay sa kin ang langit. Pwede rin na naiiyak ang langit sa
   kakatawa sa pagka "emo" ko. ^_^
   Pero ang sarap naman kasi magpaka emo. Sa banyo pag nagbabawas or
   naliligo ako, emo songs ang kinakanta ko. Bago ako matulog, emo songs
   pinapakinggan ko. Pag sa office, emo songs pinapakinggan ko. Move on!
   move on! lolss.... ginagago ko lang sarili ko.
   Mag 1 month na ulet kami di nagkikita ni Czarina. Nde ko na sya
   macontact kasi nawala daw fone nya. Di ko naman alam kung totoo un at
   ayaw ko rin namang puntahan sila sa bahay. Pag kinukwentuhan ko si Jay
   tungkol sa drama ng buhay ko, nagkwekwento rin sya. AMF... dapat ako
   pakinggan nya kasi ako problemado. Kelangan ko pa rin ba makinig sa
   drama ng iba??? hayy
   Nakakapag usap naman kami ni Cza sa msn. Lately, nakwento nya na
   bumabalik na naman pagkaadik nya sa online games. Sinasabi ko na lng sa
   kanya lagi na "TC", ingats! pero marami akong gus2 sabhin.... marami
   akong gus2ng ipakita
   Lately nagkaroon ako ng maraming problema. Problema sa pamilya...
   problema trabaho... at kung ano ano pang problema. Halos 3 days akong
   walang makwentuhan... halos 3 days ko kinikimkim lahat. Bigla kong
   naisip si Czarina. Gus2 ko syang makausap...
   Ako: *Nagdidial ng fone* amf sana nasa bahay sya..
   Isang babae ang nagsalita. ang sabi "The phone you're dialing is
   currently busy". Nak ng tinapa. Bakit bc? Tinext ko sya pero bigla kong
   naisip na wala na nga daw pala sa kanya ung phone nya. So nagsayang pa
   ko ng piso grr... Sinubukan ko syang contactin kahit sa msn pero nde ko
   sya nakikita...
   Bigla na lng akong umupo sa upuan. Bat parang pakiramdam ko wala akong
   mahingahan ngaun? OO anjan ung mga sinumpa kong mga katropa. Pero nde
   ko feel mag open sa kanila. Mas gugus2hin kong magsolo na lang kesa
   kausapin ang mga autistic kong mga kaibigan.
   Bigla kong naisip, bakit pag sya ang problemado sa buhay, I made sure
   na anjan ako sa tabi nya. Kahit na gus2 nyang magsolo, andun ako. E ako
   ayaw ko magsolo ngaun bakit nde ko sya makita? Bakit nde nya ko
   damayan? Nakakainis isipin na ginawa ko ang lahat para sa kanya pero
   pag ako wala na...
   Nde ako nanunumbat sa kanya, pero diba? it harts.. it harts u know?
   Isang araw biglang nag pm si Czarina sa kin
   Czarina: Bakit anong problema? Sorry ngaun ko lang nabasa
   Siguro nabasa nya ung iniwan kong msg sa kanya...
   Ako: Ah wala... problemado lang ako at gus2 kita sana makausap pero
   dont worry, I managed to deal with my problems alone
   Czarina: Waaaa! I didn't know talaga ngaun ko lang nabasa. Besides you
   didn't contact me.
   What the.... hin...di... kita... kinontact?????
   Ako: Ilang araw na ko tumatawag sa inyo pero laging bc fone nyo. Ung
   cell mo naman sabi mo nawala. Di ka rin nag ool sa msn. Nde pa ba
   contact tawag dun?
   Natahimik sya. Well it's better na tumahimik na sya.
   Ako: Alam mo kasi naisip ko lang bakit pag ikaw may problema anjan ako.
   Pro bat pag ako na.. naiiwan na ko sa ere. Ikaw lang ba anak ng Diyos?
   Nagsorry na lang sya ng nagsorry. Tapos niyaya nya ko makipagkita later
   that night.
   Ako: Don't worry. Diba sabi ko i dealt with it na. Ok na un no need to
   comfort me.
   Pero sa loob loob ko sana magpumilit sya waaaaaaa...
   Czarina: well, ok then. just take good care of yourself...
   Naloko na. Nak ng.... Gus2 kita sakalin at i uppercut T___T.
   Later that night., nagpasya akong magpunta sa MOA (Mall of Asia astig
   no?) Nagpunta ako magisa para ba mag unwind. Naghahanap ako ng malapit
   na parke d2 sa makati pero wala akong makita. Puro building, basura at
   taong grasa ang nakikita ko kaya sa MOA na lng ako nagpunta. Naglakad
   lakad, nagsight seeing (ng mga chix lolx) at kumain ako... ng mag isa
   dun. Nung gabi...
   Babae sa mic: Good evening shoppers. There will be a fireworks display
   at 7 pm. Good evening and enjoy shopping!"
   6 pm na pala... Siguro panoorin ko na lng tong fireworks display na to.
   Minsan naisip ko kung pede sumabit dun sa paputok. Para dalhin na ko sa
   langit.
   Nagpasya akong umupo. umaambon ambon at mejo malakas ang hangin. tamang
   tama sa emo moments ko! hehehe. Nagpasya akong pumunta dun banda sa
   likod ng moa. Magyoyosi muna ako para makapag isip isip naman ako.
   Habang nagyoyosi ako napatingin ako sa parang overpass. bawat poste,
   may mga magshota o mag asawa na nakatambay. Lintik na buhay to.
   Pinaglalaruan ba talaga ako ng tadhana? da pak....
   Puwesto ako sa lugar na wala ganong tao. Un nga lang nakakatakot baka
   machambahan ako ng holdaper. Pero naisip ko, kung hoholdapin man ako,
   isasama ko na ung puso ko para wala na kong maramdaman (hahaha
   pinakacorning sinabi ko hahaha)
   Pagkatapos ng ilang minuto, bigla na lng may pumutok sa langit.
   Fireworks display na. Pinanood ko ung makukulay na paputok sa langit.
   Ung ale na malapit sa kin napatalon sa gulat. Pinagalitan pa ko nung
   ale kasi pinagtawanan ko daw T_T. Dumami ung nakita kong mga walang
   kasama na nanonood ng fireworks. Siguro parepareho kaming mga
   problemado. May nakita pa akong babae na parang lumuluha habang
   pinapanood ung paputok...
   Muli akong tumingin sa mga makukulay na paputok sa langit. Kelan kaya
   magiging makulay din ang buhay ni malungkutin? Maya maya tumigil na ang
   putukan...
   WTF! wala pang 5 minutes un ah! deym... kala ko panaman mahaba hehehe.
   sabagay mahal ang mga ganyang paputok. Can't afford na siguro lalo na
   kung every week sila nagpapaputok.
   So ayun nagpasya na kong umuwi. kahit pano nakatulong ung "emo" moments
   ko sa MOA. Ayoko na ring magpakamartir para sa babaeng yun. Move on!
   Move on! sabi nga sa kin ni Jay. Siguro un na nga lang gagawin ko. Tama
   na talaga ang pagiging emo ni malungkutin. Siguro papalitan ko na ang
   pangalan ko... Masayahin na hehe
   Labels: Ang love story ni Malungkutin 0 comments

   Tuesday, August 14, 2007

Malungkutin vs. BFs ni Czarina part III

   Posted by Malungkutin at 6:18 PM Tuesday, August 14, 2007
   Trilogy talaga no? hehe. Eto nga pala ung last installment ng
   pakikipagsagupa ni Malungkutin sa mga BFs kuno ni Czarina. Sa unang
   part, nakilala natin si Mark. Sya daw ang first love ni Cza at hanggang
   ngaun di nya magawang kalimutan. First love never dies daw, pero i hope
   he dies. Sa second part, nakilala natin si Benny. Sya ang bespren kuno
   ni Cza na nakilala lang nya online. Napakafeeling netong taong to at
   kala nya makukuha nya si Cza. Pero ang sweet ni Cza sa kanya kaya
   nakakainis sya. Ang pangatlo ay si....
   (Flashback....)
   Ako: Joseph? sino un?
   Takte may papakilala na namang lalake si Czarina. Nakakainis. Mukha ba
   akong bakla para ipakilala sa ken yang mga lalakeng yan
   Czarina: Manliligaw ko kasi un. Tinataguan ko nga pero talagang
   mapilit. Naaawa naman ako sa kanya pag di ko kinausap. Mag papari na
   raw un at nag aral sa La Salle. Nakilala ko na rin ung mga magulang nya
   at sobrang bait naman...
   Olrayt. Nde ako lasalista. Nde ako mapilit. Nde mo pa nakikilala mga
   magulang ko. Thanks sa pagkukumpara sa min >.<
   Ako: So ibig sabhin kayo nung lalakeng un?
   Czarina: umm... la ako magawa eh.
   Fine. Pero bat nung ako nanligaw, nde ka man lang naawa sa ken. E kung
   biglang maglaslas ako? maaawa ka kaya???
   Ako: Nde naman yata tamang paasahin mo ung tao. E kung ayaw mo sa
   kanya, hiwalayan mo na (nagdadasal na sana maniwala sya sa
   pagbra-brainwash ko har har!)
   Czarina: E kasi sobrang kulit talaga. kahit nga sina ate galit na galit
   jan. Khit ayaw na nila makita sa bahay, laging pumupunta pa rin dun.
   Ako: Pero minahal mo naman ba?
   Di sya nakasagot. SO meaning... kahit pano, may naramdaman sya dun.
   Czarina: Tara samahan mo na nga lang ako sa jollibee. Libre kita ng
   sundae
   E ako tanga, pumayag ako. Narinig ko nagring yung fone nya, pero
   dinedma ko na lng kasi dinedma nya. Habang nakapila kami, kwento sya ng
   kwento. Naiinis daw sya achuchuchu dun sa Joseph na un. Imaginin nyo na
   5 ung nasa harap namin sa pila, hanggang makaorder kami, yun pa rin
   bukang bibig nya. So sige, naniniwala na ko. Ayaw nya dun sa lalake.
   Awa na lng nararamdaman nya. Fine. The end
   Paglabas namin, nagulat sya ng makita nya ung Joseph. Pinuntahan sya sa
   bahay kasi di nya sinasagot ung fone nya.
   Czarina: Umm... si ano nga pala.. Si Joseph... Boyfriend ko.
   Biglang nag initiate si Joseph at hinalikan si Czarina. SA LIPS
   mothapakah.....
   OMFGWTF.... Gumuho na naman ang lahat lahat. Ung dating 26 storey na
   puso ko, ngaun first floor na lng. Para akong sinampal ng isang
   malaking patola sa mukha. Demn, pang ilang beses na ba ako nalagay sa
   ganitong sitwasyon??? Sinasadya ba nya na ipamukha sa kin ang lahat
   lahat na ito? E kung lahat ng pekeng relationship e ganito kasweet,
   wala na magkakagustong magkaroon ng tunay na relasyon. Yung mga kamao
   ko mo nadudurog na sa sobrang pag ipit ko d2 kaya nagpasya na lng ako
   umalis
   Ako: Sige Cza.
   Di ko na hinintay na sumagot sya. Tumawid na ko. Busina ng busina ung
   ibang sasakyan. Pake ko ba. Sagasaan nyo ko kung gusto nyo. Bumili ako
   ng yosi sa tindahan. Napansin ko na dumaan sila sa likod ko. Nang
   silipin ko sila, sumulyap si Czarina sa kin. Mejo malungkot ang mga
   mata. Nde ko alam kung ano iniisip nya pero ayoko na umasa. Sobra sobra
   na kya ung mga pinag gagawa nya sa ken
   (End of Flashback....)
   Nagtext na si Czarina. Parang iniiexpect ko na to. Ilang araw na rin
   kasi to di nagpaparamdam
   "San ka na po? Tagal mo na di nagpaparamdam. Kamusta ka na po?" ang
   text nya sa ken. Gus2 ko na lng maging kaibigan nya. Kung di ko man sya
   matuturuan na gus2hin ako, atleast kahit kaibigan lang masaya na ko.
   "Ayaw ko lang kasi makaabala sa trabaho mo. Lam ko hectic masyado sched
   mo" Text ko sa kanya.
   "Nde naman na ko gano busy eh. Tara kita tau ngaun." Text nya sa kin
   La naman ako magagawa na eh. Hintayin ko na lng sya dumating dito sa
   shop.
   To be continued...
   Labels: Ang love story ni Malungkutin 0 comments

Malungkutin vs. BFs ni Czarina Part II

   Posted by Malungkutin at 10:10 AM
   Wow! tagal kong nde nakapagsulat. Takteng tag ulan yan tinrangkaso pa
   ko, tapos sobrang daming trabaho... Pero in fairness ang sarap
   magbakasyon. Sarap humigop ng kumukulong sabaw.
   Anyways, tuloy natin ang makulay na buhay sa sinabawang gulay.. este
   buhay ni Malungkutin.
   Sinuntok ko sa pader nung naaalala ko ung kwento tungkol kay Mark.
   Litsi. Napasigaw ako! Nde sa galit kundi sa sakit. Taena, bat pag sa
   mga pelikula mukhang nde naman sila nasasaktan? Ang saket talaga. Bigla
   ko namang naalala ung malisyosong bestfren daw ni Czarina na balak
   manligaw na mukhang ulaga na mukhang mongoloid na mukhang tanga na
   habol ng habol kay Czarina. Halata ba na badtrip ako sa taong un?
   (Flashback...)
   Nagulat ako ng biglang may tumawag galing sa likod. Si Czarina. Mas
   nagulat ako ng may kasama syang lalake. Nde sya si Mark, ibang tao.
   Besfren daw nya sa isang laro na nilaro nya dati. Itago na lng natin
   sya sa pangalang Bentot... hehe. Benny pala
   Cza: Hey! I want you to meet my best, Benny!
   Tumingin lang sa lalake sabay sabi ng "Oi tol!" sabay balik sa
   paglalaro. Improving na ko nag doDOTA na ko. Nagsawa na ko mag online
   games.
   Napansin ko na medyo sweet sila tingnan. "Not again" sabi ko sa sarili
   ko... Napunta na naman ako sa sitwasyon na ganito. Bakit ba laging
   kelangan ko makita mga ganitong eksena. Mejo naiba lang. Kung ang lahat
   ng mag bestfriend e ganito kasweet, wala nang maghahanap ng mga
   boypren.
   Naiinis ako dun kay Benny. Lalo na dun kay Czarina. Nde nya ba nakikita
   na trip na trip na sya nung lalake? Magbestfriend daw. Shet. You can't
   have an instant bestfriend. Nax english un.
   Benny: Tol tara sama ka sa min nood tau sine.
   Hmm. Plastikin ko ba?
   Ako: Wag na lng makakaabala lang ako sa yo... sa inyo pala
   Sarcasm.
   Bigla ako binatukan ni Czarina. Letson de letse... Ano b? Ano ba
   makukuha nya sa pagtapak sa pagkatao ko ha?
   Czarina: Sumama ka naaaa! Please!!!!
   Kaasar tong babaeng to. Babatukan ka ng malakas pero magmamakaawang
   sumama ako. Amp ano ako yaya? Pero sa di sinasadyang pagkakataon bigla
   nalang na nasa bus na ako at sumama ako sa kanila... >.<
   Eto ulit ang setting, Sumakay kami ng aircon bus papuntang Ayala ave.
   Silang dalawa magkatabi samantalang ako nasa likod nilang dalawa.
   Salubong ang kilay kong nakatingin sa batok nilang dalawa. Bigla akong
   napa *sigh* at tumingin na lng sa billboard ni Angel Locsin. Tawa sila
   ng tawa habang nagkwekwentuhan samantalang ako giniginaw sa sobrang
   lungkot. May tumabi pang mama na doble ng katawan ko. Kung mamalasin ka
   nga naman tsk.
   So ayun nakarating kami sa Glorietta ng 10:30 pm na. Kahit sino alam na
   malamang walang nang sine ng ganung time. Pero tuloy pa rin kami dun.
   Wet na wet na kili kili ko sa layo ng nilakad namin. Pagdating namin
   dun, wala na nga. dapak. Masama pa neto, ako pa sinisi ni Czarina. Nag
   inarte pa raw ako, di daw kami tuloy umabot. Bah! sino ba nagsabi na
   isama ako? ayaw ko nga eh! read my lips! A-Y-A-W K-O N-G-A sanang
   sumama! Natakot lang ako sa hitsura ng bespren nya na mukhang manyakis.
   Tumahimik lang ako at sinalo ko lahat ng RANTS nya. Nkahalata sya na
   nabadtrip kaya ayun, panay ang sori. eh ano pa nga ba magagawa ko kundi
   sabhing..
   Ako: Ok lang! kasalanan ko naman eh. Kasi nde agad ako nagpapilit
   sumama.
   Benny: Tara libre ko na lng kau.
   Kahit ayaw ko sa kanya, napa sige ako! bah libre eh
   Napa O-M-G ako sa loob loob ko. Mini Stop? taena....
   Kumuha ng pera si Czarina sa wallet ni Benny. Tapos bumili sya ng iced
   coffee (tama ba un?) 2 pieces. Kala ko sa kanilang dalawa pero binigay
   nya ung isa sa kin. Natawa ako bigla. Bah naaalala pa pala ako neto.
   Czarina: nde kasi umiinom ng coffee si Benny eh. Kaya para sa ting
   dalawa lang.
   Shet. sinira nya ang moment. Ok na sana eh pero bat sinabi pa nya un ?
   watdapak.
   Nagpagsya kaming umuwi. tatluhan na ung upuan ng bus pero di ako tumabi
   sa kanila. Naiinis ako.
   Bumaba ako malapit sa shop namin. Nakita ko pa sila nasa kanto nag
   uusap. Nagyosi muna ako sa labas habang tinitingnan sila. Nagulat ako
   nung nakatingin sila sa kin. Takte kayo. Wag nyo ko pag usapan.
   Maya maya biglang lumapit si Czarina. Tinatanong nya ko kung gus2 ko
   daw sumama sa kanila. Maglalakad lakad daw sila. This time, todo tanggi
   na ko. Ayaw ko na.
   Napansin ko na medyo nag-iba ung tingin nya sa kin. Mejo malungkot ung
   mata nya. Gus2 ko sana bawiin pero naisip kong wag na lng. Wag na lng.
   Wag na lang. Habang naglalakad sila palayo, unti unting nadudurog ang
   puso ko. Bakit mo pa kasi kelangan ako pahirapan ng ganito? Kelangan mo
   bang ipakilala ang lahat lahat ng lalake na dumadaan sa buhay mo? Pati
   yang nagfefeeling na nagtatake advantage sa kabaitan nya pinakilala pa
   sa ken. Napansin kong lumingon pa sya sa ken bago umalis. Shet. Wag mo
   nang durugin ang puso ko sa patingin tingin mo jan.
   (End of Flashback)
   Taena, nasigawan pa tuloy ako nung kasama ko sa bahay. Bat ko daw
   sinira ung kahoy naming pader. Sabi ko aayusin ko na lng. Matagal tagal
   na ring nde nagtetext or nagpaparamdam si Czarina ah... ano kaya
   nangyari dun?
   To be continued...
   Labels: Ang love story ni Malungkutin 0 comments
   Next Posts Home
   Subscribe to: Posts (Atom)
   Subscribe to our feed

Mga Kwento ni Malungkutin

     * Ang love story ni Malungkutin (18)
     * Ang Love story ni Malungkutin Book 2 (13)
     * Ang Love Story ni Malungkutin Book 3 (7)
     * Ang Love Story ni Malungkutin Book 4 (2)
     * Annoucements (1)
     * Kwentong Kanto (10)
     * Malungkutin Chronicles (17)
     * Seryosong usapan (12)

Ang Aking Baul

     * â–º 2007 (36)
          + August (13)
          + September (8)
          + October (6)
          + November (8)
          + December (1)

     * â–º 2008 (14)
          + January (1)
          + February (2)
          + March (2)
          + April (2)
          + May (1)
          + June (2)
          + July (1)
          + August (2)
          + September (1)

     * â–º 2009 (7)
          + July (1)
          + August (2)
          + October (3)
          + November (1)

     * â–º 2010 (7)
          + January (3)
          + June (2)
          + August (1)
          + December (1)

     * â–º 2011 (7)
          + January (1)
          + April (2)
          + May (2)
          + October (2)

     * â–º 2012 (2)
          + July (2)

     * â–º 2013 (2)
          + April (1)
          + May (1)

     * â–º 2014 (2)
          + August (2)

     * â–º 2017 (1)
          + September (1)

     * â–¼ 2018 (1)
          + December (1)

Mga Astig na Blogs

     * [icon18_wrench_allbkg.png]
       (,") BLOGS NG PINOY (",)
       Death by Grammar
       3 months ago
     * [deathbygrammar.JPG]
       RATED E! Exclusively Explosive Earvilicious Escapades!
       YEAR 2015: PAINS AND GAINS
       2 years ago
     * [11745585_10204483612707200_7126300383262714995_n.jpg]
       Halo Halong Pinoy
       HOW TO AVAIL FREE INTERNET ON SMART AND TALK' N TEXT USERS
       4 years ago
     * [11745585_10204483612707200_7126300383262714995_n.jpg]
       Drama Queen (super mag-emote)
       Last week on KDrama The Master's Sun
       5 years ago
     * [Master&#39;s+Sun+01.jpg]
       KABULASTUGAN
       WANTED: Soulmate ni Kulasa
       6 years ago
     * [Master&#39;s+Sun+01.jpg]
       Biyaheng Quiapo
       Introduction to Linguistic: case study
       7 years ago
     * [Master&#39;s+Sun+01.jpg]
       Fatal Palito
       Playstation 3 Preview
       9 years ago
     * [PlayStation3.jpg]
       mga kwentong parlor ni wanda ilusyunada

Tuloy Po Kayo

   free web counter
   free web counter

Followers

   .

Support Filipino Blogs

                        Filipino Bloggers' Community

   [bT*xJmx*PTEyNTEwMTA4OTAxMTMmcHQ9MTI1MTAxMDkwNjI4MyZwPTQ1NTkzMiZkPSZnPT
   Imbz*zMDc*ZjhjY2E3MGQ*MDdiODMyODhhZWRjOTc4ODE1OSZvZj*w.gif] Banner
   maker

About Me

   Malungkutin
          Ako si Malungkutin. Ang taong pinagsakluban ng langit at lupa.

   View my complete profile

Kaibigan, Tara Usap Tayo

   Enable Javascript to get full functionality of this shoutbox

   IFRAME: http://ray0203.freeshoutbox.net/


   Mga Kwento ng Buhay ni Malungkutin wordpress theme by Blogsessive
   converted to Blogger BloggerThemes.net
     * Home
     * About